NANG MAPUNTA si Coco Martin sa ABS-CBN mula sa paggawa ng indie films kung saan talaga siya napansin, sobra niyang iningatan ang kanyang suwerte nu’ng iyon ay maramdaman niya na nahahawakan na niya. Maging ang kanyang image ay sobra rin niyang prinotektakahan. Bagkus, habang nagiging mabango at lumalaki ang kanyang pangalan sa bakuran ng Kapamilya network, puro kasimplehan pa rin ng kanyang personality hanggang ngayon ang ipinakikita niya sa pakikisama.
Naipakita na ang pruweba ng pagbabago ng takbo ng buhay ni Coco, dahil sa kanyang kasipagan. Three years ago, sinabi niyang marami pa siyang gustong ayusin sa takbo ng kanyang buhay at pamumuhay bago ang lovelife. Pinanindigan niya iyon. Kahit kapwa niya mga artistang waldas sa perang kinikita ay humahanga kay Coco, dahil naipagawa na ng magaling na actor ang kanyang dream house na katas ng kanyang pagsisikap.
Dahil nagsimula si Coco sa paglabas sa indie films, pangalan niya ang bukambibig at iniidolo ng mga baguhan na usong-uso ngayon na nare-recruit ng mga baguhan ding nagdidirek ng mga indie movies, sa ambisyong maging Coco Martin din sila balang araw. Ngayon kasi, nadadampot ang mga call boys, macho dancers at mga guwapo’t silahista at tunay na lalaking nagpapaseksi sa facebook para maengganyong sumabak sa paglabas sa mga indie film. Pero sorry na lang sila. Hindi na nila mauulit ang kasaysayan ng kasikatan ni Coco. Sinuwerte kasi si Coco, dahil siya ang pambalanse na nakagiliwan ng masa na mga nauumay na noon sa kasikatan nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Dingdong Dantes, at Richard Gutierrez.
ChorBA!
by Melchor Bautista