KAHIT NAGBIBILANG NA ng award bilang mahusay na aktor ang recently winner ng Best Movie Actor sa kata-tapos na 27th Star Awards for Movies para sa pelikulang Noy na si Coco Martin, handa pa rin daw itong gumawa ng indie film na may temang hubaran.
Tsika ni Coco sa amin, part naman daw ng trabaho ang kanyang ginagawa at kailangan naman sa istorya. Hindi naman daw ito gagawin ng mahusay na aktor kung alam lang niyang magiging palabok lang sa pelikula niyang ginagawa.
At bago naman daw kasi niya gawin ang isang indie film, pinag-aaralan muna niya kung tatanggapin niya ito. If ever daw na maganda ang script at matsa-challenge siya, kahit na may hubaran ay tinatanggap niya ito. Hindi naman daw siya ‘yung tipong tanggap lang ng tanggap ng kahit anong pelikula, basta magka-pelikula lang.
Bukod sa pinag-aaralan niya raw ang script ng bawat pelikulang inaalok sa kanya, kung makatutulong ba ito at bagay sa kanya. Kung hindi raw ay hindi niya ito tinatanggap at maghihintay na lang ng ibang indie film na iaalok ulit sa kanya.
AFTER MAGHARI SA dance floor sa ibang bansa ng Philippine All-Stars, ang pambato ng Pilipinas pagdating sa hatawan sa sayawan, narito naman ang grupong “Hataw”, mga bagets ages from 15 to 17 na sasabak na rin sa international dance competition na World Hiphop 2011 na gaganapin sa Las Vegas mula July 16-25, 2011 at nakatakdang sundan ang yapak ng Philippine All-Stars.
Sila ay kinabibilangan nina Joshua Vidamo, Rei Prieto, Jeremy Rabena, Karlo Agustin, Reggie Del Rosario, Dan Alday at Keeno Guevarra na pawang magagaling sa hatawan. Kasamang lilipad patungong Las Vegas ng Hataw group si Ms. Angelica Arda.
Tsika nga ni Keeno na pipilitin nilang maiuwi sa bansa ang grand prize sa World Hiphop 2011 at tanghaling pinakamagaling na dance crew sa buong mundo. Makakatunggali ng Hataw ang iba’t ibang A-1 dance crews sa buong mundo.
MAY PAKIUSAP ANG mga tagahanga ng Gigger Boys member na si Benjamin De Guzman at ng mga tagahanga ni Empress Schuck na sana raw ay pagtambalin ng Dos ang kanilang mga idolo. Ayon sa mga ito, maganda raw kasing pagmasdang magkasama ang dalawa na unang nagkasama sa defunct show na Shout-Out at ngayon ay sa ASAP Rocks.
Maganda raw ang kumbinasyon ng dalawa na parehong magaling umarte, kaya naman daw pihadong magiging successful ang pagtatambal ng mga ito. Tsika pa nga ng mga tagahanga ng mga ito na bakit ‘di muna subukan ng management na i-guest ang dalawa sa MMK o sa ilang drama shows ng Kapamilya Network nang sa ganu’n ay makita kung totoong may magic talaga ang pagsasama ng mga ito.
NAGING ISANG MALAKING tagumpay ang CD album release/concert ng tinaguriang Canada’s Little Girl with a Big Voice/ YTV’s Karaoke Star Jr. Finalist na si Geena Geneza entitled “Geena Geneza: A Life Story” under Ecclesiastes Entertainment na pag-aari ng international singer/actor/producer na si Ramil Omosura last June 25, 2011.
Ginanap ang nasabing album release sa John Oliver Audi-torium, Vancouver, Canada at naging espesyal na panauhin niya ang kanyang kaibigan at isa ring international recording artist na si Ethel Amistad, Making The Band, Ikah at The Pop Vocalistas.
John’s Point
by John Fontanilla