MARAMI NA ang nag-aabang sa pelikulang Ang Panday ni Coco Martin na mapapanood sa Dec. 25 in time for the Metro Manila Film Festival.
“Siguro lahat ng aking pangarap sinagad ko na dito sa Panday. Hanggang sa last day namin pawis at dugo binigay namin kasi ‘yung location talaga namin sobrang hirap. Talagang sabi ko, hindi pala biro na ikaw ang director. And then at the same time nag-co-producer ka, napakahirap ng pagdadaanan mo.
“Kaso ako apat, ako ang director, producer, artista at sa creative. Pero sabi ko nga ang sarap ng pakiramdam na after nu’n na sasabihin ko, ‘It’s a wrap. Pack up!’ kasi ang hirap dahil sinasabay ko siya sa Ang Probinsyano eh,” kuwento ni Coco.
Nawala naman ang pagod ni Coco nang makitang tapos na ang pelikula.
Aniya, “Sabi ko nga, kapag gusto mo yung ginagawa mo, kahit na halos hindi mo na kaya bumangon dahil sa sobrang pagod mo, in the end yungdetermination na alam mo na kailangan mo tumayo kasi gusto mo yung ginagawa mo. And then ang sarap ng pakiramdam lalong lalo na kapag nakikita mo resulta ng mga ginagawa mo.”
Samantala, inamin din ni Coco na hindi naiwasang magkaroon ng aksidente habang nagsusyuting sila ng Ang Panday.
“Madami first day pa lang (laughs). Pero it’s a part of it, lalong lalo na pagaction. Kahit sa Probinsyano hindi mo maiiwasan na may maaksidente pero sabi ko nga part na yun,” sambit niya.
Kasama ni Coco ang halos 80 artista sa Ang Panday. Dalawa naman ang leading ladies niya dito na ginagampanan nina Mariel de Leon at Miss International 2016 Kylie Verzosa.
La Boka
by Leo Bukas