COCO MARTIN
Real Name: Rodel Luis Nacianceno
Birth Date: November 1, 1981
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Quality: Fixed
Element: Water
Basic Trait: I Desire
Closest Metal: Plutonium
Lucky Day: Tuesday
JULIA MONTES
Real Name: Mara Montes Schnittka
Birthdate: March 19, 1995
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday
KINAKIKILIGAN NGAYON sa ABS-CBN Primetime Bida ang teleseryeng Walang Hanggan. Bida rito ang award-winning actor na si Coco Martin at ang bagong pambatong leading lady ng Dos na si Julia Montes. Malayo ang agwat ng edad nilang dalawa, pero masasabi natin na may chemistry sila bilang magka-loveteam. Buti na lang at baby face si Papa Coco at dalagang-dalaga na ang aura ni Julia!
Bilang Daniel at Katerina sa Walang Hanggan, hindi maikakailang dumarami ang tagahanga nila. Hindi na rin kami magtataka kung pagkatapos ng madramang teleserye na ito ay pagtambalin sila sa isang malaking pelikula o ‘di kaya’y isunod sa loveteam formula na nagpasikat noon kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Very promising ang bagong tandem ng Dos.
Age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig, but compatibility does. Is there a chance for a happily ever after kina Coco at Julia in real life? Ating alamin!
Parehong sensitive at compassionate ang Scorpio at Pisces. Ang pagkakaiba lang ay mas madaling magpakita ng emosyon ang Pisces, samantalang ang Scorpio ay magpipilit na magsuot ng maskara para lang maitago ang tunay na nararamdaman lalo na kung sakit at poot ito. Dahil sa kanilang pagkakapareho, madali ni-lang mauunawaan ang isa’t isa. Magkakaroon sila ng isang intense relationship at pagdating sa intimacy ay kakabugin nila ang lahat ng lovers out there.
Non-judgmental ang Pisces, samantalang very vocal naman sa kanyang mga observations ang Scorpio. Dahil sa pagkakaibang ito, nagiging positibong aspeto ito sa kanilang relasyon dahil they complement each other. P’wede nilang pagsabihan ang isa’t isa lalo na kung naaabuso na sila ng ibang tao.
Mas mabilis pa sa pagluto ng instant noodles ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Pisces. Pagsasaluhan nila ang naglalagablab na pagmamahalan with matching mutual understanding. Mabubuo nila ang intimate at emotional compatibility with flying colors. Ang pagsasamang ito ay may kasiguraduhan na hindi na nila kai-langan pang magsalita para intindihin ang isa’t isa. Maayos lang nila ang pagiging possessive ng Scorpio, magi-
ging perfect match na ang mag-irog na ito.
There you have it, ladies and gentlemen. Mukhang perfect match din offscreen itong sina Coco at Julia, ha? Let’s give them more time para ma-realize nila na sila talaga ang bagay sa tunay na buhay! Teka, hintayin pala muna nating mag-debut ang munting prinsesa natin bago nila ituloy ang pag-ibig na walang hanggan. Chos!
Pares-Pares
By Madam Damin