NAKAW-EKSENA ang presence ni Paloma sa MMFF Parade of Stars sa Taguig nung Sunday (Dec. 22) habang nakasakay siya float ng 3POL Trobol: Huli Ka Balbon. Kinabog ni Paloma ang maraming artistang rumampa sa parade habang nakasakay sa kani-kanilang float.
Bago ang parade, marami ang nalungkot sa balitang hindi makasakay ng float si Coco dahil first shooting day nito sa isang pelikula ng Star Cinema. Sinisi tuloy ng iba ang Star na kung kelan parada ng MMFF ay saka pinagsusyuting si Coco.
Buti na lang, ang kiyemeng hindi pagsakay ni Coco sa float ay part ng kanilang publicity campaign to create more awareness about the movie. And yes, they succeeded, huh.
Maaga pa lang ay naghanda na si Coco para mag-transform bilang Paloma, isa sa karakter na ginampanan niya noon sa FPJ’s Ang Probinsyano na ngayon ay mapapanood din sa 3POL Trobol. As expected, after the transformation, ang machong si Coco ay naging beautiful girl na si Paloma.
Nung una, hinahanap ng mga taong nag-aabang sa Taguig si Coco, pero nung nalaman nilang si Paloma ay si Coco, hayun nagkagulo na. Nagsigawan na sila at binuntutan na ang float ni Coco.
May mga netizens pa ngang nagkomento na mas maganda pa raw si Paloma sa dalawang co-stars niya sa 3POL Trobol na sina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado, huh.
Anyway, kahapon ay inikot naman ni Coco ang buong Maynila kasama si Mayor Isko Moreno na merong special role sa pelikula. This time, si Coco na ang nakasakay sa float at hindi na si Paloma.
Ipapalabas na ang 3POL Trobol: Huli Ka Balbon simula December 25 bilang isa sa mga pelikulang kalahok sa MMFF. The film is directed by Rodel Nacianceno (Coco’s real name).