Ilan ba sila sa liga nila na marunong magpasalamat? Sabi ko kay Manay Ethel Ramos (Dean of Philippine Entertainment Writing), lima lang sila para sa akin at kabilang na rito si Coco Martin. ‘Di ko alam kung madadagdaga pa ‘yan sa tagal ng panahon na inilagi ko sa showbiz.
Very vocal ako sa paghanga kay Coco Martin, kung papaano niya pahalagahan ang mga showbiz writers and reporters na tumutulong sa kanya.
Alam din ng manager niyang si Biboy Arboleda at Dreamscape Entertainment Publicity and Promotion Head na si EJ Salut kung paano ko pahalagahan ang isang tulad ni Coco na marunong magpahalaga sa mga taong katuwang niya.
Sabi ko nga sa iba na hindi nakasali sa “pasasalamat” ng aktor kamakailan sa press, baka naman ang relasyon nila sa aktor ay relasyong “tapatan” lang. In short matapos ang isang presscon, ang isa o dalawang write-up na naisulat ay sapat na gayong kung tutuusin, may “advance” na ‘yun bago mo pa isinulat at lumabas sa dyaryo.
Ano ba ang suporta? Based sa interpretasyon ko at pagkakaintindi ay tulong na hindi nahihinto lang during a campaign season. Hindi ito nagtatapos sa “per presscon basis” na kadalasang siyang umiiral.
Kaya nga sa itinagal-tagal ko sa showbiz, ilan lang sila ang masasabi kong “love” ko, na ang suporta ko at pagmamahal ay hindi nagtatapos sa kung ano ang maibigay nila kundi higit pa roon. Hindi ko man sila palagiang nakikita, pakiwari ko’y may pagkakaintindihan na kami ng mga artistang ito.
Hanga ako sa papapahalaga ni Coco sa mga taong sumusuporta sa kanya. Hindi lang sa mga showbiz writers, kundi sa mga tagahanga niya na walang sawang sumusuporta sa kanya.
Nagsimula sa kanyang pasasalamat sa isang barangay sa Tondo, kung saan isang araw, dumating siya sa kanila para ipaabot ang kanyang pasasalamat dahil sa magandang pagtanggap sa kanyang action-serye na “Ang Probinsiyano”.
Last Saturday, sa selebrasyon ng Sinulog sa Cebu City para kay Señor Sto. Niño, dumayo rin ang aktor sa isang barangay para makipiyesta, bukod sa pagsampa niya sa show na ginawa sa Ayala Terraces Cebu.
Panimula lang ito para ipaabot ng aktor ang kanyang pasasamalamat sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa kanya.
Sa Dinagyang Festival sa Iloilo City next weekend ay nasa Robinson’s Iloilo si Coco at kabilang sa kanyang bibisitahain sa taong ito as part ng kanyang pag-reachout sa mga tagasuporta niya ay ang Baguio, Davao, Bacolod, Dagupan, at Legaspi.
Basta ang suporta sa showbwiz ay ayuda na tuluy-tuloy na hindi nahihinto lang pagkatapos ng presscon at naisulat mo na. Kaya nga talo tayong mga taga-showbiz ng mga fans ni Coco at ng mga liga niya dahil solid sila sa Idolo ng Masa. With or without, nand’yan sila.
Happy ang aktor sa nakaraang taon. Sunud-sunod kasi ang success sa kanyang career na bukod sa maganda ang nakukuhang rating ng “Ang Probinsiyano” ay numero uno ang pelikula nila ng bestie niyang si Vice Ganda sa nakaraang MMFF 2015 na “Beauty And The Bestie”.
“Hindi ko inaasahan na magki-klik kami ni Vice. Salamat din kay Direk Wenn (Deramas) na umalalay sa akin. First comedy movie ko kasi ito,” sabi ng aktor.
Reyted K
By RK VillaCorta