ALAM NATIN kung gaano kagaling ni Coco Martin pagdating sa pag-arte. Na kahit noon pa mang nagsisimula siya ay nakitaan na siya ng brilyo sa acting kung kaya’t sa simula pa lang, marami na ang nagka-interes sa kanya na i-manage.
‘Yun nga lang, sali-saliwang pagsubok ay hindi agad na handle ng ABS-CBN ang kanyang career kung kaya’t tipong naiba ng landas ang itinakbo ng kanyang buhay-artista.
Pero blessing in disguise na rin marahil ang mga kaganapan sa buhay niya na siyang nagpanday sa kanya sa kung ano man siya ngayon, malaki ang naitulong ng karanasan niyang ‘yun.
Mula sa pelikulang indie na ang peg ay “bold” hanggang sa naging buhay niya ng pakikpagsapalaran sa Canada na inamin naman niya at hindi itinatuwang nakatulong nang malaki ito kay Coco para maging isa sa mga de-kalibreng artista natin.
Ang sabi nga, ang karanasan ng isang tao ang siyang humuhubog sa kanyang pagkatao para maging maging sino man siya ngayon. Ang saya, ang lungkot, ang pait at masalimuot na dating buhay mo ang siyang nagdisensyo sa kung ano ka man at kung ano ang mga pangarap mo sa buhay.
Sa kaso ni Coco, hindi nalalayo ang totoong buhay niya sa mga ginagawa niyang pelikula o teleserye. Sa bagong drama sa telebisyon, isang anak ng mahirap na sakada (sugarcane field worker) ang role niya sa Ikaw Lamang. Siya si Samuel, anak ni Cherry Pie Pichache na kahit mahirap ay nangarap.
Personally, pansin ko na most of the time, kuwento ng mahirap na nangarap o ‘di kaya’t tungkol sa buhay ng mahihirap o inaapi ang mga karakter na ginampanan ng aktor which for me ay oks lang at hindi problema para sa mga fans niya kung saan tanggap siya.
Walang pretensyon kasi ang imahe ni Coco sa showbiz. Aminado siya at alam ng mga tagasubaybay niya na galing siya sa hirap, nagsumikap, nangarap at ngayon ay naitatawid na niya at naisasakatuparan na ang mga dating pangarap lang.
Nice to hear nga sa kabaitan niya bilang tao. Hindi showbiz, na galing mismo sa mga dating kaibigan niya, ang nakapagpapatunay na ang sweetness, pagiging humble niya bilang tao sa kabila ng karanasan at tagumpay na natatamo ngayon ay hindi pa rin siya nakakalimot.
Ang isang entertainment writer na naging kaibigan niya noong nagsisimula pa lang siya, laking pasasalamat na si Coco ay naaasahan niya sa panahon ng kagipitan. Ang dati niyang manager na naka-base na sa Amerika, sa recent visit nito sa Pilipinas, si Coco ang sumagot ng one month stay nito sa hotel.
‘Yan ang gusto namin kay Coco dahil hindi siya nakalilimot. In short, ang kabaitan at pagse-share niya ng biyaya na kanyang natanggap at matatanggap, ang mga kaibigan niya (lalo na ‘yong mga dati noong hindi pa siya sikat) ay kabahagi pa rin ng kanyang tagumpay at natatamong biyaya.
MAHIRAP NGA naman kung ang role mo bilang sirena sa Kambal Sirena na sa totoong buhay ay hindi ka marunong lumangoy and what more kung hindi ka marunong sumisid?
Kaya nga ang baguhang si Louise delos Reyes who plays a dual role as Perlas (ang kakambal na tao) at Alon (ang kakambal na sirena) naghirap para mawala ang takot niya sa dagat.
Prior to the main taping of the new serye from GMA 7 na simula mapapanood ngayong gabi almost two months ding nag-aral mag-swimming si Louise sa tulong ng dating action star of the 80’s na si Jess Lapid Jr.
After matutong lumangoy, next step para maging madali para kay Alon na gawin ang role as a mermaid ay nag-scuba diving class siya.
Dahil sa pagtitiyaga, Louise is now a certified PADI Diver.
Maging si Marian Rivera, nagbigay ng tip kay Louise kung papaano nito gagawin ang kanyang sirena role, the fact na si Marian ang unang naging sirena sa kanyang teleserye sa Kapuso Network.
ALMOST ONE month pa kailangang isuot ni Melanie Marquez ang brace niya sa kanyang torso sanhi ng pagkaaksidente kamakailan.
Last weekend, we had the chance to help her sa pagsusuot ng brace na ‘yun na super higpit ang pagkakatali sa katawan niya. Say niya, “Ayan, Ninja Turtle na ako peg ko.”
Reyted K
By RK VillaCorta