Sobrang blessed ni Coco Martin at marami siyang dapat ipagpasalamat sa nagdaang taon (2015). Hit na hit at number one ang kanyang teleseryeng “Ang Probinsyano” sa primetime, tapos gumiba pa ng record sa box-office at ngayon ay highest-grossing film of all time ang MMFF movie nila ni Vice Ganda na “Beauty And The Bestie”.
“Sobrang thankful po ako sa mga nangyayari. Kahit ako, hindi ko rin inisip na magkakaroon ako ng ganitong blessings,” ang tila hindi makapaniwala niyang pahayag.
Dahil sa napakaraming blessings na ito, ang goal ni Coco ay libutin ang buong Pilipinas para makapagpasalamat sa mga kababayang Pilipino sa maliit na paraang makakaya niya.
Inumpisahan na niya ito sa mga pamilyang nasunugan noong bagong taon sa Brgy. 155 Zone 14 sa Tondo, Manila. Bukod sa kasiyahan, nagkaloob din ng mga regalo si Coco na makatutulong sa pamumuhay ng mga residente.
After naman niyang magpunta sa Cebu for the Sinulog Festival, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Kapamilyang Ilonggo na makita si Coco sa Dinagyang Festival 2016 sa February na gaganapin naman sa Robinson’s Iloilo. Ang susunod niya pang destinasyon ay ang Baguio, Davao, Negros, Dagupan, at Legazpi.
Samantala, mula nang umere ang “Ang Probinsyano”, hindi ito natinag sa pangunguna sa TV ratings. In fact, isang babaeng colonel pa nga ang nagsabi kay Coco Martin na kapag timeslot ng “Ang Probinsyano” ay nababawasan daw ang crime rate sa buong Pilipinas.
Wow naman!
La Boka
by Leo Bukas