COCO MARTIN has come a long way since his indie film days. Napansin ang angking husay sa pagganap ni Coco kaya naging sunud-sunod ang mga magagandang offer sa kanya. Malayo na ang nilakbay ng kanyang career pero nananatili pa ring nakatuntong sa lupa ang kanyang mga paa. Sa lahat ng mga proyektong kanyang ginagawa, Coco always recognizes the efforts of everyone – mula sa crew at utility people hanggang sa mga creative staff at artista – and he spends a lot of time bonding with them.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga magagandang oportunidad na ibinibigay sa kanya. Coco is dubbed as the “idolo ng masa”. He welcomes the chance to be an inspiration to other people and to be able to reach out to them.
Katulad ng kanyang karakter sa Juan dela Cruz, he has become some sort of a modern-day hero for people like him who came from humble beginnings.
“Masarap sa pakiramdam na nagiging inspirasyon ako sa mga manonood. Malaki ang obligasyon ko ‘di lang bilang tao, kundi bilang artista. Para lalo kong pagbutihin ang buhay ko at maging careful sa ginagagawa ko,” sabi niya.
At sa katatapos na Juan dela Cruz ay marami siyang napulot na magagandang aral at karanasan sa mga nakatrabaho niya tulad nina Eddie Garcia at Albert Martinez. Watching them at work both humbled and inspired him.
“Ang dami ko talagang pinaghuhugutan ng inspirasyon, lalo na sa mga veteran actors na nakakatrabaho ko. Napaka-suwerte ko na nakakatrabaho ko ang ganitong mga artista. Mahilig kasi akong makipagkuwentuhan, kaya marami akong natututunan sa kanila. Inspirasyon sila sa akin. Napakasarap isipin na sana, umabot din ako sa ganoong edad, at sana iyong magagandang attitude nila bilang artista at bilang katrabaho, sana ma-adopt ko rin,” sabi niya.
As far as reaching out to people is concerned, Coco says he’s content to do it where and how he is able. Hindi na raw niya kailangan pang sumabak sa pulitika para makatulong sa kapwa.
“Honestly, napakasarap tumulong. Okay na sa akin na mabigyan ng oportunidad na iayos ang family ko at maging magandang huwaran. Mas gusto ko ang simpleng buhay. Ayoko nang i-complicate sa pagpasok sa pulitika.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda