Happy kami sa isang eksena ni Coco Martin last Monday evening sa action serye na FPJ’s Ang Probinsiyano sa Kapamilya Network.
Eksena ‘yun ni Mak-Mak at ni Lola Kap (played by Susan Roces) kasama si Cardo (played by Coco Martin).
Eksena ‘yun ng pag-a-out ni Mak-Mak na sa simula pa lang, uma-aura na ang kanyang pagiging beki, pero may mga cover-up pa rin at denials. Sa eksenang ‘yun, inamin na ni Mak-Mak that he is “gay”.
Pero dahil positibo palagi ang mensaheng gustong itawid ng show sa mga manonood, may dayalog si Coco kay Mak-Mak about being gay na: “Hindi masama ang maging bakla. Ang importante ay marunong magmahal at rumespeto sa kapwa,” pahayag ni Cardo sa eksena na akmang-akma lang sa kagapan a few days ago na almost 50 persons died sa walang kawawaang pagpatay na mostly ay mga gays sa isang dance club sa Orlando, Florida sa Amerika.
Natuwa ang maraming sisters na beki sa eksenang ‘yun na si Coco bilang artista ay nakapaghahatid ng gayong mensahe sa mga manonood.
Ako, personally, na lumalaban para sa gay rights or shall I say equal rights ay natuwa sa aktor sa pagbibigay importansya niya at respeto sa mga tulad ko na 101% na bakla.
Dahil sa ginawang ito ni Coco, love na love siya lalo ng mga beki at ng LGBT community. Mabuhay ka, Coco!
Reyted K
By RK VillaCorta