Coco Martin, may bagong paandar: Ang Panday Mobile App, now available for free!

Coco Martin

TINURUAN AKO ng mga bagets na marunong sa mga mobile games ang bagong app na “Ang Panday” na downloadable sa Google Play for free at nagkaroon ng launching last Saturday sa SMX MOA with Coco Martin.

 
Sa trapik ng pagbaybay sa Kamaynilaan, may alternatibo na ako  para hindi mairita sa trapik at kay Kuyang Drayber na tsika ng tsika at nagnenega sa Uber at Grab at sa pagsisisi kung bakit ibinoto pa niya ang mokong na nakalukluk ngayon sa Malacañang. Haaay…buhay ng Pinoy sa kalsada.
 
Kung dati ang Farmville at Candy Crush di ko magets, very easy lang pala i-manage itong Ang Panday mobile application.
 
Sa totoo lang, sa hindi tecky na tulad ko, madali lang pala maglaro. Easy for me na maintindihan.
 
Sa launch na naganap last Saturday, isinabay na ang pagtanggap ni Coco ng kanyang award mula sa online entertainment portal na PEP.com kung saan siya ang hinirang na Male TV Star of the Year at Teleserye Actor of the Year.
 
Ang Panday Mobile App
 
Sa naturang Ang Panday mobile app launch ay isinagawa at isinabay sa E-Sports And Gaming Summit na  ang daming tao ang dumalo at libu-libong gamers and game developers ang present.
 
Paliwanag pa ng aktor tungkol sa kanyang binuo na mobile app kasama ang mga kasosyo niya sa Synergy88: “Una, original Pinoy hero siya, creation ni Direk Carlo J. Caparas. Since wala na ngayong nabibiling komiks, ginawa naming ang mobile game.   Ang mga bata ngayon, masyado silang techie. Kung gusto mong ipakilala sa kanila ang isang tao o bagay, sa mobile mo gawin.
 
“Kasi kahit 5 years old, mai-enjoy ang game. Hindi siya violent, pero adventurous siya, maraming challenges. At free ‘yung game app sa Google,” dagdag ng aktor na excited sa kanyang bagong paandar na sa unang mobile app ng kompany nga aktor na Co Syn Mediatech, Inc, tinanggap na kaagad ng ito ng publiko.
 
Paliwanag pa ni Coco: ”Nung na-meet ko ang mga partners ko dito sa CoSyn, sabi ko, I have the best people, mahusay sila. Kaya mukhang magi-enjoy ako dito sa new venture ko,” sabi niya.
 
Coco Martin with his business partners from Synergy 88
 
Bukod sa Ang Panday mobile game, marami pang idi-develop si Coco and his team ng iba’t ibang mobile games and apps.
 
Sa launch, pagbabalita ng aktor, natapos na rin ang main filming ng MMFF 2017 entry niya na “Ang Panday” na first directorial job niya. Editing, mixing, scoring at ang madugong special effects na lang ang konsentrasyon ni Coco para lalo mapaganda ang pelikula na ngayon pa pang ay inaabangan na ng mga bata sa darating na MMFF 2017 sa December 25.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSYDNEY CONCERT, WAGING-WAGI: Vice Ganda, rest mode muna sa HK for Halloween
Next articleDANI BARRETTO, nagne-nega sa amang si Kier Legaspi?

No posts to display