SALAMAT AT natapos na rin sa wakas ang ilang gabi na hindi mapakali at mapagtulog si Coco Martin. Apektado kasi siya sa pagkilos ng mga grupong kababaihan sa nangyari sa kanya kamakailan.
All’s well that ends well. Ganu’n naman ang kahihinatnan kung both parties ay madaling magkaintindindihan at open para sa isang pag-uusap at kasunduan.
Ang tinutukoy namin ay ang pagtatagpo ng kampo ni Coco Martin at grupong kababaihan tulad ng Philippine Commission on Women represented by Executive Director Emmeline Versoza at Rep. Emmie de Jesus and Liza Maza both from the Gabriela Partylist last Monday morning.
Nagsimulang umalma ang kaibabaihan nang mapanood nila ang isang eksena sa The Naked Truth fashion show ng Bench kung saan si Coco (as a Circus Master) ay hila-hila ang isang Caucasian model na may tali sa leeg na akala mo ay isang pusa o hayop na para sa majority ng kababaihan ay very degrading, humiliating at insulting para sa kanila.
Dahil sa reaksyon ng mga women’s group, tuloy nalagay sa alanganin ang career ng aktor.
Pero nag-reach-out kaagad si Coco. Humingi ng dispensa at inamin ang kanyang pagkakamali kaya naman madali rin naresolba ang isyu.
Last Monday, humarap si Coco sa kanila. Personal na humingi ng dispensa sa kanyang ginawa. “It’s a nice gesture para sa tulad niya na celebrity ay nagpakumbaba at humingi ng dispensa sa kanyang nagawa ,” sabi ni Rep. De Jesus ng Gabriela.
Sa katunayan, mas namulat si Coco sa sitwasyon ng kababaihan dahil sa insidenteng nangyari sa naturang fashion show.
Maging si PCW Director Versoza, hanga sa pagiging humble ng aktor na para sa kanila is a nice start para si Coco as a celebrity ay makatulong na rin sa paglaganap sa nakararami sa karapatan ng kababaihan na iilan pa rin lang ang nakaaalam.
Sa November 25, inanyayahan nga nila si Coco na sumama sa kanilang martsa para sa isang kampanya para mapamulat ang karamihan sa karapatan ng kababaihan sa lipunan.
Ang insidente ay mas lalong nakatulong kay Coco para mas maintindihan niya ang reality na ang mga babae sa pangkasalukuyang lipunan ay hindi pa rin iginagalang at nabibigyang pagpapahalaga. Sabi nga ng aktor: “Para na akong nabunutan ng tinik kasi personal akong nakahingi ng pauanhin sa mga nasaktan ko.”
Kami man, bilib sa pagiging humble ni Coco which for us, mabibilang mo lang talaga ang mga tulad niya sa showbiz.
I have only four words to describe Coco. Mabait, magalang, mapagkumbaba at higit sa lahat, isang mabuting tao.
Herbert C, recording artist sa Munti
FIRST TIME in local music industry history na ang isang singer-composer ay isang current inmate sa National Bilibid Prison ay magkaroon ng singing career. Ang tinutukoy namin ay itong si Herbert C. who won as Best New Male Recording Artist ng PMPC Star Awards for Music recently.
Yes, kahit nakapiit sa kulungan, nakapag-recording pa si Herbert sa loob ng Munti. Sa sarili niyang pera, nakapagpatayo siya ng sariling recording studio, kung saan dito nai-record ang kanyang “Kinabukasan” album consisting of four original compositions at sariling version ng sikat na kanta ni Nonoy Zuniga na “Doon Lang”sa tulong nina Edith at Margot Gallardo na kilala sa muic industry natin.
Amazing nga at kahit nasa loob siya, nakapagbenta pa siya ng more than two million pesos worth of CDs sa kanyang mga kaibigan at sa sariling network na ngayon ay umabot sa Platinum ang CD sales.
One nice thing about Herbert, kahit nakakulong ay tuloy ang pagtulong niya nang personal sa mga nangangailangan. Para nga siyang tipong Robin Hood.
Every Saturday, regular siyang may feeding program sa almost 600 senior citizens sa loob ng Munti bukod pa sa regular niyang pagtulong sa papapaayos ng ospital sa loob ng NBP.
Sa ngayon, binubuno pa rin ni Herbert C. ang kanyang sentensya na unti-unti, dasal niya ay matapos na.
Reyted K
By RK VillaCorta