MARAMING KABABAIHAN ang nag-react sa isang eksena sa fashion show na The Naked Truth na pa-gimmick ng Bench na ginagawa nila every two years. ‘Yong eksena ay ang pagrampa ng aktor na si Coco Martin na may hila-hilang babae in her sexy outfit na akala mo’y aso na may leash or tali pa sa kanyang leeg na nag-a-acrobatic. Pakiwari ng marami, parang aso ang role ng babaeng modelo sa naturang eksena na hindi nagustuhan ng kababaihan.
“Offending and degrading,” opinion ng ilang women’s group. Kaya nga kung hindi ka sensitibo, hindi mo makikita ang mensahe na gustong itawid ng creative team ng clothing company na in-charge sa naturang palabas.
Pero si Robin Padilla na isa sa mga magalang at mataas ang respeto sa kababaihan noon pa man ay nagkomento sa isyung ito. Ayon sa aktor na kanyang nai-post sa kanyan Instagram Account: “Ang ganap na ito ay hindi katanggap-tanggap. Kung sino man ang nakaisip nito ay kailangang mapaliwanagan sa usapin ng karapatang pantao, lalo ang karapatan ng kababaihan. Hindi ginagamit ang pangalan ng sining sa pagpapakita ng pang-aabuso at pang-aalipin, ang kalayaan sa pagsasalarawan sa pamamagitan ng talino ay ginagamit sa pangmumulat tungo sa pagkakapantay-pantay ng tao, ano man ang kanilang kasarian. Isang napakalaking isyu ito ng diskriminasyon sa panahon natin ngayon na ang ibang mga bansa ay nakikipaglaban para sa karapatan ng mga hayop na mabigyan ng kalayaan sa tanikala habang tayo namang mga Pilipino ay literal na tinali, inalipin at niyurakan ang isang Pilipina sa harap ng pampublikong lugar. Bayan ko, sa’n po ba natin gusto talagang mapunta… Mahiya naman po tayo sa mga nanay natin. Babae ang Ina natin, babae ang nagluwal sa atin sa mundong ito.”
Pero maagap ang Bench na humingi kaagad ng dispensa sa naturang pambabastos sa image ng kababaihan.
We just hope na sa susunod, maging sentitibo na rin sila at marami pang iba na ang babae, hindi binabalahura kundi iginagalang kahit sabihin pa na “for art’s sake” ang konsepto ng naturang eksena sa kanilang fashion show.
Reyted K
By RK VillaCorta