KUNG TITINGNAN mo siya, para siyang bata na walang muwang. Ngingiti-ngiti lang. Sasagot lang nang maikli sa itatanong mo sa kanya. Palagi siya hindi kampante sa paligid niya lalo pa’t mga bagong mukha ang makasasalamuha at makatatrabaho niya. Kaya nga noong dumating siya sa rehearsal ng The Naked Truth noong araw na ‘yun, may disgusto man siya sa ipinapagawa sa kanya, hindi niya masabi. Hindi niya maitawid. Foreigners kasi ang mga kasama niya sa ibabaw ng entablado. Maging ang director ng show ay banyaga din. Hindi niya kayang iparating ang kung ano man ang gusto niyang sabihin. Bukod sa mahiyain si Coco Martin by nature, aminado siya na may language barrier between him at sa mga foreigner. Hindi siya bihasang mag-Ingles.
Naaawa kami kay Coco Martin sa sitwasyon na kinahantungan niya. Biktima ang aktor sa mapanirang imahe ng kababaihan sa konsepto ng “The Animal Within Me” kung saan may isang babaeng Caucasian siya na hila-hila na may tali sa leeg na tuma-tumbling-tumbling na kunwari ay isang pusa at siya naman ang Circus Master.
Dahil sa kanyang exposure sa Bench fashion show, napulaan siya ng ilang sektor ng kababaihan, lalo na ang mga aktibo sa mga women’s rights tulad ng grupong Gabriela.
Degrading, insulting at humiliating para sa karamihan ang eksena na ginawa niya sa anti-women concept ng creative team sa likod ng palabas. Marami ang nagalit. Nadamay si Coco sa konseptong ito ng Bench na lalong lumaki ang sunog sa bagal ng kumpanyang gumawa ng aksyon sa negative reaction ng publiko; lalo na ng kababaihan na sila ang na-offend sa sinsabing “artistic license” daw ng mga namahala sa palabas.
Kaya naman agad-agad humingi ng saklolo ang aktor kasama ang manager niyang si Biboy Arboleda kay Atty.Lorna Kapunan na nakausap ng aktor na lumung-lumo noong Lunes ng gabi bago humarap si Atty. Kapunan sa media kinabukasan.
Ayon sa de kampanilyang abogado, “Mr. Coco Martin feels extremely sorry for what transpired and admitted that the incident taught him a major lesson to be more sensitive and mindful of the repercussions of his portrayals. Coco has high regard for women just as he respects and loves his mother, his grandmother and his three sisters. The actor humbly asks the public’s understanding and assures the public that he will be no longer allow himself to be obliged to participate in similar insensitive portrayal.”
Dahil sa kanyang kababaang loob bilang tao, humihingi ng dispensa si Coco sa lahat na na-offend niya. Kaya nga sa Facebook inbox namin sa e-mail ni dating Gabriela Partylist Rep. Liza Maza na ngayon ay co-chairperson ng Koalisyong Makabayan sa amin tungkol sa ginawang apology ng aktor: “That was a good gesture on the part of Coco to own up and apologize for his participation in that segment of the Bench commercial. We are willing to talk to him to hear his side and have an exchange with him on how he as a respected and influential artist can play a positive role in the promotion of women’s rights.”
Maging si Ms. Edna Aquino who also fight for the rights of women ay sinulat din niya sa Change.Org dated September 30, 2014 (Tuesday) with a banner na Coco Martin’s Post-The Naked Truth and apology is more genuine than Ben Chan, owner of Bench: “I applaud the humility and sincerity of Coco Martin in this news item whereby he was quote to have admitted having failed to properly assess what his act in the show could mean, and asked for forgiveness and understanding from those who were offended. He was reported to have ended his statement by assuring that he has lessons learned from the controversy, foremost of which is the responsibility attached to his job. This in itself is already a ‘victory’ for the campaigners against The Naked Truth.”
Habang isinusulat namin ito, inaayos na ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda ang schedule ng aktor para magkaroon siya ng pagkakataon na personal makausap ang mga makabayang kababaihan para personal na humingi ng dispensa.
‘Di ko alam kung ano ang diskarte ng Bench ngayon matapos nilang yurakan ang imahe ng kababaihan. Avant garde man or “for art’s sake” ang dahilan, dapat maging maingat sila sa susunod nilang palabas ,kung saan kailangan din nila maging sensitibo at hindi lang pang-show at pera-pera lang ang dahilan.
Reyted K
By RK VillaCorta