PINALITAN NA ba si Piolo Pascual bilang favorite ng Kapamilya Network?
Last Saturday, nang kumain kami sa restaurant na kilala sa kanilang spring fried chicken, hindi na si Piolo ang endorser ng resto kundi ang hottest male actor ng taon na walang iba kundi si Coco Martin.
Mula kasi nang manahimik si Piolo sa hiwalayan nila ni KC Concepcion at may mga pagtatangkang rebelasyon diumano mula kay Megastar Sharon Cuneta tungkol sa mga nangyari sa relasyon ng kanyang dalaga at kay Papa Piolo, lalong tumahimik ang kampo ng aktor.
Sabi, nakaapekto diumano ng hiwalayan ang karir ng aktor na ang dating mga endorsement niya ay na-ngawala at napunta na sa iba.
At isa na ngang example ay itong restaurant na imbes siya ang endorser (for so many years) ay biglang napunta kay Coco.
Balita namin, may hinampo si Piolo sa Star Magic dahil hindi nila ipinaglaban ang kanilang prime artist sa kliyente.
Sa ngayon, si Coco bilang hottest property ng Kapamilya Network ay alagang-alaga ng istasyon. Sa katunayan, itong buwan ng Enero, makikipagsabayan siya kina Bong Revilla (in Indio) at Derek Ramsay (in Kidlat) sa primetime, habang siya naman si Juan dela Cruz.
ANG TARAY ng review ng isang J.I.E. Teodoro sa pelikulang Sisterakas nina Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino at Vice Ganda na inilabas ng GMA News Online noong huling araw ng 2012 na ngayon lang napag-uusapan sa social media.
Sa pagkasulat ng reviewer, biggest disgrace daw si Kris sa pelikula. Mabuti na lang, ayon sa kanya, ay saving grace ang type ng komedya ni Ai-Ai na napapatawa ang manonood.
Nagtataka lang ako sa reviewer kung bakit sineryosoniya ang Sisterakas at naghanap siya ng katinuan gayong ang main aim ng pelikula ay mapatawa ang publiko.
Nagtataka rin ako kung bakit hindi niya matanggap na ang pelikula ay bread-trip at hindi nag-ilusyon na magpaka-art film at humakot ng papuri.
Parang hindi fair kay Kris na pati sa puntong political ay ginawang anggulo ni Teodoro gayong si Kris na showbiz celebrity ang siyang isa sa mga bida ng obra ni Wenn Deramas ay nagbida sa pelikula na tinangkilik ng publiko at top-grosser sa 2012 MMFF ay hindi naman ipangalandakan na siya’y kapatid ni P-Noy at anak siya ni Cory at Ninoy.
By the way, si Teodoro ay isang assistant professor sa English and Filipino department ng Miriam College.
Engot na ewan naman itong si Teodoro na naghahanap ng katinuan sa isang pelikula na ang pakay ay patawanin at pasayahin ang manonood. Seryosohin ba ang isang pelikulang laugh trip na walang pretensyon? Sa simula pa lang, malinaw na ang objective ng Star Cinema at maging nina Kris, Ai-Ai at Vice na pasasayahin nila ang publiko sa Kapaskuhan. Sa mahal ng sine tuwing filmfest (P201) du’n ka na sa trip mo na magsaya.
Kung hindi ba naman eng-eng at naghanap si Titser Teodoro ng katinuan gayong makaaliw ang pakay ng pelikula na sasabayan mo ang tawanan ng manonood. I wonder kung kaninong pakana ang bagay na ito?
SA TOTOO lang, iba’t ibang bersyon ang naglalabasan kung bakit ayaw nang mag-artista ni Sarah Lahbati (girlfriend ni Richard Gutierrez at isa sa mga bidang babae sa pelikulang The Seduction).
Maraming bersyon. Maging si Tita Annabelle Rama, hindi masundan noong una ang isyu sa palitan ng salita ng kampo ni Sarah at ng GMA sa Twitter.
Say ng kampo ni Sarah, napaka-unprofessional diumano ng production ng Indio para paghintayin siya mula umaga hanggang madaling-araw (past 3 in the morning na yata ‘yun) para kunan ang kanyang eksena gayong puwede naman siya maging on call at maghintay ng tawag bago kunan ang eksena niya.
Sabi naman ng isang taga-Kapuso Network tungkol sa biglaang pag-quit ni Sarah sa showbiz at ang alibi ay mag-aaral na lang daw siya: “Bukod sa delay ng taping ng eksena niya, hindi na type ng mga taga-Network ang mother niya na super mahadera. Feeling ng nanay niya star na star na ang anak niya.”
Kung saan hahantong ang isyung ito, mukhang hindi na maka-rescue ang future “mother in law” ni Sarah (si Tita Annabelle siyempre) dahil busy si Bisaya sa Cebu para sa kanyang planong pagtakbo sa pulitika sa Mayo.
“Ipagtulos ko na lang siya ng kandila sa Sto. Niño para maayos na ang lahat. Kasi lagi ako sinisisi kapag pumapasok ako sa eksena na ako na naman ang dahilan. Kaya behave na muna ako,” tweet niya sa kanyang account.
Reyted K
By RK VillaCorta