UNTI-UNTI NANG namamatay ang isyu kay Coco Martin at sa Bench na nagsimula sa kontrobersyal na The Naked Truth fashion show kamakailan na ginanap sa MOA Arena.
Naunang humingi ng apology ang Bench sa pamumuno ni Mr. Ben Chan sa women’s groups na na-offend sa portion ng show kahit nasa ibang bansa siya noon, kasabay rin ng paghingi nila ng apology sa kanilang image model na si Coco Martin.
Ayon kay Ben, ito ang nararapat gawin lalo na kung sa pakiramdam nila ay may na-offend sila. At sa ipinakita ng Bench, it shows kung gaano sila ka-responsible at concerned sa welfare ng mas nakararami at ng kanilang endorser.
Sa gestures ng Bench, patunay rin ito kung gaano nila bina-value ang relasyon nila kay Coco bilang endorser dahil hindi nila ito iniwan sa ere.
“Hahangaan mo ang Bench sa mabilis na pag-ako ng responsibilidad sa nangyari. Hindi sila nagdalawang-isip na magbigay ng apology sa tao at sa sector na affected. Nangako rin silang mas magiging reponsable sa mga susunod nilang project,” sabi ng isang malapit kay Coco.
“Sa tagumpay ng Bench bilang top Filipino brand which has already reached worldwide market nananatili silang humble. Kung sa ibang kumpanya ‘yon, naku, baka naghugas-kamay na agad sila. Pero ang Bench, magaling silang mag-alaga ng endorser at ng kanilang consumers,” dagdag pa ng kausap namin.
On Coco’s part, nakabuti rin ang kaagad niyang paghingi ng apology sa women’s groups na nag-react sa ginawa niyang act during the show. Nagpapasalamat ang aktor na kaagad din itong in-acknowledge ng Gabriela at Philippine Commission on Women.
Ipinagpapasalamat din ni Coco na hindi siya inilaglag ng Bench sa panahon ng kontrobersiya at nanatili ang tiwala sa kanya ng kompanya. May narinig kasi kaming balita na dalawang endorsement ng aktor ang nanganganib mawala dahil sa nangyari.
La Boka
by Leo Bukas