HINDI NA nakita at nakausap ni Coco Martin si Fernando Poe, Jr., dahil nang pumasok siya sa showbiz ay araw nang yumao si Da King.
Naikuwento ni Coco sa presscon ng Ang Probinsiyano last Thursday night na nagkataon na ang first shooting day raw ng movie niyang Masahista ay siyang araw nang yumao ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ, kaya hindi na sila talaga nagpang-abot.
“Nang namatay po si FPJ, ‘yun ‘yung first shooting day ng first movie ko na Masahista. Kasi natatandaan ko nang ibalita ‘yan, ‘di siyempre nagkagulo ang buong Pilipinas, tapos first day ko, nasa Pampanga ako, nagsi-shooting. Kaya nga sabi ko sa sarili na nanghihinayang ako, dahil ‘di kami nag-abot,” say ni Coco.
Sana raw naabutan niya si Da King dahil alam ni Coco na marami siyang matututunan sa buhay at sa trabahong pinasok.
Ang ipinagpapasalamat ni Coco, kahit hindi sila nagpang-abot ni Da King, nabigyan siya ng pagkakataon na mai-remake sa telebisyon ang classic film ni FPJ na Ang Probinsiyano na magsisimula na next month, September sa ABS-CBN.
Pero dahil malapit na ang election, may nagsasabi na magagamit daw ang remake sa pagtakbong pangulo ni Sen. Grace Poe sa darating na election. Kaagad namang nilinaw ni Coco sa ipinatawag na presscon na wala raw political agenda ang pagsasa-ere nito sa telebisyon.
“Bago po namin ginawa itong project, nag-usap din po kami nina Tita Susan (Roces) at lahat ng mga boss sa ABS-CBN na kinaklaro namin na parang walang political agenda o color itong proyekto. Nagkataon lang po na ngayon lang sisimulan ang project, and then darating po next year ang campaign,” say ni Coco.
Hindi rin daw porke super close na si Coco sa pamilya nina Susan at Sen. Poe, nakahanda na siyang suportahan ang kandidatura ng senadora kung sakaling tatakbo itong pangulo sa 2016 election. Ayaw na raw kasi niyang magkamali muli nang susuportahan at ieendorso, dahil nagkamali na raw siya noon sa isang kandidato na kanyang inindorso at sinuportahan. This time daw, sisiguruhin niya na karapat-dapat ang candidate na kanyang susuportahan kung mayroon man.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo