Imbes na ipahinga, ang agang nagising ni Coco Martin para dumayo sa San Jose del Monte City sa Bulacan para sa “Saludo sa Pamilyang Pilipino Tribute” of “FPJ’s Ang Probinsiyano” na ni-launch kanina, Monday, June 13 na unang araw nang pasukan for the school year 2016-2017 para sa Balik-Eskwela 2016 project sa pakikipagtulungan ng aksyon-serye na “Ang Probinsiyano”, Dreamscape Entertainment, at siyempre ng masigasig na aktor na palaging tulumulong sa mga kabataan na si Coco.
Isinagawa ang school supplies giving sa Paradise Farm Elementary school sa San Jose del Monte City, kung saan paniwala ng aktor na kailangang bigyan ng suporta ang edukasyon ng mga kabataan.
Ipinamahagi rin ang mga electric fan at iba’t ibang pangangailangan ng eskuwelahan, bukod sa mga school supplies tulad ng reading materials, T-shirts, backpacks, at healthy food meals para sa mga bata.
Sa panayam ng isang DZMM reporter na nag-cover ng naturang event na napakinggan namin sa radyo, ayon sa aktor: “Naalala ko ang sarili ko nu’ng bata ako. Kung ano sila ngayon, ganu’n ako noon.”
Malaki ang paniniwala ni Coco na dapat suportahan ang mga kabataan na siya namang ginagawa niya mula nang maging “idol” siya ng mga ito simula sa teleserye niyang “Juan dela Cruz” na magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin bumibitaw sa kanya.
Napaluha nga ang aktor habang isinasagawa ang shool supplies giving, ayon sa report. Naalala marahil niya ang kanyang nakaraan bilang isang elementary school student na sa kagustuhang matuto at makapagtapos ay pumapasok pa rin sa eskuwela kahit salat.
Nice to learn na si Coco, kahit abala sa kanyang trabaho, basta mga proyekto para sa kabataan na alam niya ay malaki ang maitutulong sa paghubog sa mga ito, lagi mo talagang maaasahan.
In short, si Coco Martin, hindi lang lang photo-op, ‘ika nga. Padayaon ka lang sa mga paniniwala mo dahil nandito lang ako at susuporta sa adhikain mo.
Mabuhay ka, Coco Martin.
Reyted K
By RK VillaCorta