HINDI pala intensyon ni Coco Martin na sundan ang yapak ng yumaong si Fernando Poe Jr. na mula sa pagiging aktor ay nagdirek na rin ng mga pelikula.
Si FPJ ang nagdirek at bida sa Ang Panday na nire-remake naman ngayon ni Coco kung saan siya rin ang bida at director. Official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival ang Ang Panday na ipapalabas naman sa Dec. 25.
Aniya, “Honestly, hindi ko naman sinasadyang sundan. Pero may mga pagkakataon na, alam mo yon, sinasabi ko nga kay Tita Su (Susan Roces) pag gumagawa kami ng Probinsyano, ‘Alam mo La, feeling ko nandiyan siya to guide me.’
“Yung hindi ko maintindihan na… paano ako nakahahanap ng location, paano ko nadi-discover yung mga bata, bakit yung kuwento ko malapit din sa mga kuwento niya. Yung parang, lahat kami feeling namin nandiyan siya para i-guide kami.
“So ganu’n po. Sabi ko nga, hindi ko yon sinasadya. Basta na lang siguro nangyayari,” paliwanag niya.
Nilalagare ngayon ni Coco ang syuting ng Ang Panday at taping ng teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsyano. Kahit halatang ngarag sa trabaho, pareho raw niyang ibinibigay ang kanyang best sa mga ginagawa.
“Ayokong may mag-suffer. Gusto ko kung ano yung binibigay ko sa Panday, ganun din sa Probinsyano. Parehong mahalaga sa akin yung dalawang project na yon,” katwiran pa ng binata.
La Boka
by Leo Bukas