NOON PA MAN, malaki ang captured market ni Coco Martin sa manonood ng telebisyon.
Lalo na sa mga bata na sa serye niyang Juan dela Cruz ay naagaw niya ang atensyon ng mga kabataan na dahil sa pag-iidolo nila sa aktor ay madami sa mga bagets ang gusto maging tulad niya, tulad ni Juan.
Sa panahon ng seryeng Juan dela Cruz, sold out ang mga merchandising materials tulad ng mga espada, sibat at ang ilan pa na gamit ni Juan sa pakikipagtungali sa mga masasama sa mga events ng shows.
Nang matapos ang naturang serye, tumawid si Coco sa aksyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Ang mga bata ay naririyan pa rin at all-out ang suporta sa kanya.
As a good policeman, gusto ng mga bata na maging police in tulad ng karakter niya as Cardo Dalisay.
At dahil lapitin sa mga bata at until now ay suportado ang aktor ng mga bata dahil sa magandang imahe na ipinapakita niya sa telebisyon, para sa selebrasyon ng
ika-100 weeks ng aksyon serye, bilang pasasalamat ay nagtungo kahapon, Tuesday (August 15) sa San Jose del Monte ang aktor para mamahagi ng kanyang munting regalong sa mga elementary students ng Paradise Farm Elementary School.
Ang naturang public elementary school ay recipient na ni Coco sa ilang mga projects niya para sa mga kabataan noon pa man.
Bukod sa gift giving kahapon ay may masayang pasinaya sa newly renovated library ng eskwelahan na sinuportahan ng aktor.
Congrats Coco. Iba ka!
Reyted K
By RK Villacorta