Nakalulungkot nga naman na nag-effort ka kasabay ng pagte-taping mo ay tila nakapanlulumo at nakadidismaya na ang pangarap mong makapagpasaya, hindi matutupadd ngayong Kapaskuhan.
Ang tinutukoy namin ay ang pelikulang “The Super Parental Guardians” na pang-MMFF 2016 sana nina Coco Martin at Vice Ganda na obra ni Direk Joyce Bernal para sa Star Cinema.
Pahayag ng aktor kamakailan tungkol sa pagkalaglag ng movie niya with Vice sa MMFF 2016: “Honestly nalungkot ako. Kasi, talagang nu’ng binubuo namin ito ni Vice, ng Star Cinema, at ni Direk Joyce, naka-mindset kami para sa Pasko. Siyempre para magpaligaya sa ating mga manonood ngayong Pasko. Pero nu’ng hindi siya natanggap, aaminin ko, masakit. Pero okay lang, kasi hindi naman natin hawak ang desisyon.”
“Mabuti na lang, dininig ng nasa Itaas ang prayers ko,” pahayag ng aktor.
Last Monday, sa noontime show ni Vice na “It’s Showtime”, official na in-announce ng komedyante na ang pelikula nilang dalawa ay sa November 30 na ang showing. Kahit hindi nakasama sa Top 8 ang pelikula nila, masaya na rin si Coco.
“Siguro mas maaga na lang namin kayong hahandugan ng Pamasko namin. Ginawa namin ‘to para masaya kayo, maligayahan kayo ngayong Pasko at para sulitin ang ibinayad ninyo sa sinehan.”
Sa pagbabago ng patakaran ng MMFF Screening Committee, sabi ni Coco, wala siyang sama ng loob sa namamahala at sa pamunuan ng filmfest.
“Ang importante, showing na kami sa November 30, Araw ng mga Bayani. Siguro senyales ito,”sabi niya during sa pictorial para sa publicity materials ng pelikula nila ni Vice.
Reyted K
By RK VillaCorta