Sa instagram account ng manager ni Coco Martin na si Biboy Arboleda, pinost nito yesterday na Sunday was a working day para sa kanyang anak (read: alaga).
Kung ang iba sa showbiz na nagta-trabaho six times a day lang, ‘pag may pagkakataon na magkaroon ng day-off ay hindi nila ipagpapalit ito sa pagta-trabaho tulad sa kaso ng aktor. Work ,work, work kaya no time for his lovelife (paano kaya si Julia Montes na laging nagtitiis?)
Yes, isa marahil sa masisipag nating artista sa kasalukuyan na matibay ang kanyang goal na magsumikiap para makapag-ipon reason kung bakit ang buhay ngayon ni Coco Martin ay sapat at komportable.
Living in a fabulous house in an almost 1,000 square meters mala-beach house-resort style na disenyo, nakatutuwang isipin na si Coco ay isang halimbawa ng mga kabataang artista na gustong maabot ang narating niyang estado sa showbiz.
Kapag tinatanong sila kung sino ang gusto nilang maging pagdating ng panahon, karamihan sa kanila, gustong maging isang Coco Martin.
Maging ang anak-anakan naming si Arjo Atayde, saludo sa aktor, kung saan magkasama ang dalawa sa action serye na “Ang Probinsiyano”.
“Napaka-supportive niya sa akin Tito,” sabi ni Arjo sa amin.
“Hindi siya maramot. Sa eksena, susuportahan ka niya,” pagmamalaki pa ni Arjo sa co-star niya.
No wonder, dahil sa kabaitan ni Coco, ang suwerte ay nand’yan sa kanya ay hindi siya pinagmamaramutan ng mga biyaya mula sa Itaas.
Ang action serye niya with Maja Salvador, Arjo, and Ms. Susan Roces ay napanonood nightly after TV Patrol.
Reyted K
By RK VillaCorta