POSITIBO NAMAN ever since ang imahe ni Coco Martin. Hindi lang pang-showbiz kundi sa totoong buhay.
Sa maikling panahon na pagkakilala namin sa kanya, parang walang masamang tinapay para sa aktor para sa mga kasamahan niya sa trabaho o maging sa ibang tao.
Yes, siya pa nga ang binabato. Siya pa ang itinuturo na may kasalanan kahit hindi naman siya ang may kagagawan.
Tahimik lang kasi si Coco. Bukod sa mahiyain, oks lang ang mga kaganapan sa paligid niya kung hindi naman nakakagulo sa mundo niya. Hindi man gasino ka-vocal pero ang ibang tao na minsan na niyang nakasama at nakilala, sila ang makapagsasabi kung gaano kabait ang aktor.
Kuwento ng isang production insider sa set ng pelikulang Feng Shui na MMFF 2014 entry ng Star Cinema, kung saan kasama siya sa pelikula ni Kris Aquino bilang leading man, noong sini-shoot nila ito, wala ka raw marinig na reklamo sa aktor kahit sa mga alanganing mga location or venue ang shooting nila.
Very professional si Coco sa trabaho. Kahit puyat at kulang sa tulog na galing pa sa taping ng Ikaw Lamang noon, maglalagare sa shooting ng pelikulang idinirek muli ni Chito Roño. Hindi apektado ng puyat at pagoda si Coco sa kanyang relasyon sa mga katrabaho, lalo na ang mga production staff na maliliit.
Kung ang iba ay sumisinghal at may tantrums (dahil sa kapaguran) sa mga maliiit na trabahador sa shooting, si Coco never mong marinig ‘yan na mainit ang ulo o magreklamo, kuwento ng isang production insider.
Ang maganda kay Coco, dahil alam niya na mahirap ang buhay ng mga maliliit na worker sa showbiz, tuwing last shooting or taping day, may konting pakimkim ‘yan sa kanyang mga “Kuya” at “Ate” which for us is a nice gesture ng pasasalamat niya.
Reyted K
By RK VillaCorta