Coco Martin, wish maayos ang gulo sa MMFF

Coco Martin

UMAASA si Coco Martin na sana raw ay maayos ang   kontrobersya at kaguluhan ngayon ng MMFF execom.

Ginagawa  naman daw ang pestibal na ito para mapasaya ang mga moviegoers at mga bata sa Kapaskuhan.
 
Dapat daw isaisip kung para kanino ang festival na ito at kung sino ang mapapaligaya? Isipin na lang daw ang para sa kapakanan ng industriya.
 
Sa ngayon, tatlong pangalan ang lumutang  para maging bagong miyembro   ng Execom gaya nina  Maryo J. delos Reyes,Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurung  at Arnel Ignacio. Hindi pa sigurado si Arnel kung tatanggapin niya ang bagong posisyon dahil magpapaalam muna siya  lalo’t abala siya bilang AVP ng Community Relations and Services ng PAGCOR.
 
-0o0-
 
NADIA MONTENEGRO, MAS GUSTONG MAG-PRODUCE  KESA BALIKAN ANG PULITIKA!
 
Mas gustong  balikan ni Nadia Montenegro ang  mag-events kesa pasukin ulit ang pulitika
 
“Diyos ko, hindi. Wala akong balak na tumakbo ulit.
 
“Ang tagal ko nga siyang  (yumaong ex-mayor Asistio) nilayo diyan,eh. Nauto nga ako saglit, di ba? He!he!he! Tumakbo rin ako..hehehe,’bulalas ng aktres.
 
Actually, bukod sa pag-arte sa seryeng “The Better Half,” nag-produce  din si Nadia  ng concert ni Aiza Seguerra sa July 14, Friday, 8PM sa  The Lewis Grand Hotel, Angeles City  entiled  “Aiza Goes Acoustic At The Lewis”.
 
Gusto niya may araw-araw na pinagkakaabalahan dahil hanggang ngayon ay malungkot pa rin siya sa pagyao ng kanyang partner. Namatay noong February si Ex-mayor Asistio.
 
Bakit si Aiza ang napili niyang i-produce?
 
“Favorite  ko ‘yun,eh! At saka madaling kausap,” sambit ng aktres.
 
“Excited naman siya kasi matagal na rin siyang hindi nagco-concert nang malaki,” sey pa niya.

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

Previous articleMAY ISSUE PA RIN? Kuwadra ni Marian Rivera, nilayasan na ni Andrea Torres
Next articleOh, Pag-Ibig: “Balang araw, darating din ‘yun sa akin!”- John Lloyd Cruz

No posts to display