[imagebrowser id=249]
WHOA! NAPASYAL tayo sa location shoot ni Kris Bernal sa Sgt. Esguerra Scout, Quezon City. Maraming tao, maraming extra, maraming viewers at mga staffs at crew. Maya-maya lang, nakita ko si Direk Ricky Davao, Tessie Tomas nang biglang dumating ang walang iba, kundi ang prinsesa ng Pinoy version ng Koreanovelang Coffee Prince, si Kris Bernal. Nagulat ako nang makita ko siya. Wow! Kris ang pogi mo ah, hahahaha. Bago ang hairdo mo at bagay sa ‘yo, ‘di nga. Haha! Pagbibiro ko. Kasi hairdong lalaki siya sa ginagampanan niyang role.
“Oo nga po”, sabi niya na natutuwa habang nagkukumustahan kami.
Sayang nagbatian lang din kami ni Aljur dahil mabilis lamang ang shooting at lilipat agad ng lugar. Siyempre busy, kaya ‘di na natin nakunan ng pahayag ang leading man ni Kris dito sa nasabing teleserye.
Naks, Kris, sige lang kayang-kaya mo ‘yan, malaking break mo ito, tiyak dadami lalo ang projects mo. Sakali man sa susunod kahit kontrabida kaya mo ‘yan doon ka pa mas gagaling.
“Oo nga po, Maestro,” ani niya sa akin.
Ang Coffee Prince sa TV preview pa lang ay makikita natin ang kakaibang Kris Bernal. Mukhang tila iba ito sa nakikita nating character portrayal niya before, bukod sa pagiging mukhang Koreana, magpapasigla sa show at magkakadagdag lalo sa acting experience niya ang batikang si Tessie Tomas na kasama niya sa palabas at lalung-lalo na siyempre ang pagdidirek ng bihasang si Ricky Davao.
Kumusta itong shooting mo na ito, anong pino-portray mo talaga rito sa Coffee Prince? “Dito po sa Coffee Prince, nagpapanggap po akong lalaki kaya, ‘eto po maikli po ‘yung buhok ko, panglalaki po ‘yung get up ko, ‘yung salita ko, lahat, kilos ko po lalaki po talaga.”
Dito ba sa Coffee Prince na-in love ka rin ba talaga? “Opo, siyempre, babae ako sa puso eh, nagpanggap lang naman ako, eh.”
So, nakita mo si Aljur, tapos tumibok-tibok puso mo? “Opo na-in love po ako sa kanya. Kung baga boss ko siya rito pero pagtagal, nahuhulog na ang loob ko, basta babae pa rin naman ako. Hihihi!”
Pero may mga instances ba na natatakot ka kasi nagbibihis ka tapos darating boss mo? “Opo bale, may mga ganu’n din pong pagkakataon (scenes).”
Bale ano pa mga ginagawa mo du’n? Mahirap ‘yung role mo roon? “Ah, bale trycicle driver po ako, kasi pamana po iyon sa ‘kin ng tatay ko. Namatay po siya, bale kinuha ko na po lahat ng res-
ponsabilidad ng pamilya ko.”
So enjoy ka ba rito sa bago mong show kesa dati? “Enjoy po ako rito kasi comedy po ito, eh. Lahat po kasi, ‘di ba, dati drama? So, bale ito ang first comedy ko kaya nag-e-enjoy ako and at the same time ibang-iba, eh.”
Tingin mo nag-a-adjust ka pa dahil bago itong role para sa ‘yo? “Opo, alam n’yo naman kasi dati lahat puro drama, pero kilala n’yo naman ako, Maestro, basta acting ‘yan, hilig ko.”
Maya-maya pa ay natapos na ang aming usapan, busy rin kasi siya sa shooting. “Maestro! Thanks for your time, ‘pag lu-mabas na po ‘yang article, sabihan n’yo po si ate (PA ni Kris) or ako po ha?”
Oo naman basta ikaw, Kris. Sabay nagbanggaan kami ng kamay habang nakasarado ang kamao. Isang bagay na nakakatuwa rito kay Kris kahit mukhang busy siya ay tila wala siyang kapaguran dahil enjoy siya sa kanyang bagong romantic-comedy serye. “Ay opo Maestro, maraming salamat po muli. Ingat po. Sige po.”
Bagay, kapag hilig mo talaga naman ang isang bagay, ‘ika nga pangatawanan mo ito, at talagang pagsumikapan ay tiyak makakarating ka sa rurok ng iyong minimithing tagumpay. Sa palagay ko kayang-kaya ito ni Kris, lalung-lalo’t walang kaere-ere ito at nakikinig sa mga advice.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp. 0930-1457621
By Mestro Orobia
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected] and/ or [email protected].
ni Maestro Orobia.