HINDI NAMIN inaasahang makikilala na namin ang ka-partner ni Cogie Domingo sa birthday pa mismo ni Colonel Jude Estrada noong September 28, 2012 sa Greenhills, San Juan. Ang namesung ng ina ng anak ni Cogie ay Kristal Hancock na napakaganda. Kasama pa nila ang kanilang baby na si Raina na ayon pa kay Cogie ay magtu-two months na.
Ano kaya ang mga pagbabago sa buhay niya simula nang dumating sa buhay nila si Raina?
Matipid na sagot ni Cogie, “Ah, iba na siyempre, nag-a-adjust pa kami.”
Dugtong pa niya, “Hindi pa ako full father kasi hindi pa ako nakapagpalit ng diaper ng bata.”
Pero kahit na hindi pa siya mas-yadong marunong sa pag-aalaga ng bata ay inamin naman nitong sinusubukan niya talaga ang pagtupad sa mga gawain ng isang ama. Aniya, “Pero lagi naman ako nagigising sa madaling-araw. Palit-palit kami ni Kristal. Pero tama ba ‘yun? Dapat ba magkaroon ng yaya?”
So wala silang yaya para kay Raina? Sagot nito, “Wala eh, kasi gusto naming lumaki ‘yung bata sa piling namain. Sulitin namin na kami lang muna.”
Hindi naman daw iyakin ang kanilang anak pero minsan daw ay may sumpong din. Kuwento nito, “At times maingay. Minsan lang ‘di mo na lang ini-expect na tulog na tulog ka na or kakatulog mo lang saka pa lang iiyak.”
Naikuwento naman ni Cogie sa amin na malapit na nilang pabinyagan ang kanilang baby girl. Lahad niya, “Baka next week siguro or in two weeks. Meron na, meron na kaming mga napi-ling ninong at ninang, halo siya. Sa showbiz si Nanay Cristy Fermin, si bossing Jude Estrada, ‘yun lang, kasi maliit lang naman, hindi naman maramihan. Tsaka na ‘yung engrandeng binyagan.”
At may plano na nga siyang pakasalan si Kristal? Tugon nito, “Wala pa naman, element of surprise muna.”
Ibinaling namin kay Kristal ang tanong kung kumusta naman bilang ama si Cogie. Tugon niya, “Hindi siya marunong magpaligo ng bata, pati magpalit ng diaper ayaw niya.”
Paano kaya ang adjustment nila sa panibagong yugto ng buhay nila? Tugon ni Cogie, “More on homeboy muna ako.”
Dagdag naman ni Kristal, “Ang hirap nga noong una kasi I was breastfeeding, ‘di ba? First two weeks post-partum depression ka, parang habang nagbi-breastfeed ka umiiyak ka, kasabay mo ‘yung baby na umiiyak ka din, pero after a while nasanay na rin.”
Dagdag pa niya, “Nababawasan ‘yung paglabas-labas naming pareho.”
Pahabol naman ni Cogie, “Maraming sacrifices lang, ‘di lang naman ako kundi pareho kami kailangan naming alagaan talaga ‘yung baby, ‘yung normal routine mo dati maiiba talaga lahat ‘yun. Medyo nahirapan pa ako, hindi pa ako nakapag-adjust pa masyado.”
Sa huli, thankful naman si Kristal sa kapartner. Aniya, “Thankful lang na he’s around helping out.”
SA ISANG event naman ay natiyempuhan namin ang mag-asawang Maricar de Mesa at Don Allado. Masayang ibinalita ni Maricar sa amin na magti-ten years na pala ang relasyon nila ng basketbolista. Aniya, “Ganu’n pa rin, happy pa rin. Almost ten years na, ganu’n pa rin, we’re still enjoying each other’s company.”
Ikinasal ang dalawa noong December 1, 2006 after ng halos apat na taon nila bilang magka-sintahan. Pero hanggang nga-yon ay wala pang supling ang dalawa.
Tila malungkot na lahad ni Maricar, “Wala pa rin. We planned it pero ngayon, we’re trying sana, hopefully soon.”
Walang naman kayang may problema sa kanilang dalawa? Pagtanggi nito, “Wala naman, nagpa-check-up kami, timing lang daw.”
Last year daw ay may kinunsulta silang doctor at dagdag pa ni Maricar, “Last year ginawa namin, sabi ng doctor kailangan lang daw namin ng pahinga kasi pareho kaming pagod, so ayon siguro in God’s time.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato