Cogie Domingo, pinutulan ng ari? – Ogie Diaz

NA-BOTHER NAMAN KAMI sa balitang kaya hindi makapagpakita si Cogie Domingo, eh, dahil “pinutulan din ng ari.”

Kaya sabi ng aming friend, “I-verify mo nga if it’s true, kasi ‘yun ang nakarating sa akin.”

Sabi namin sa aming friend, imposible ‘yon dahil mao-ospital ito tiyak at kahit ang mga nurses, malalaman ‘yan at hindi puwedeng hindi ‘yan kumalat, dahil once in a blue moon lang ang gano’ng case sa kanila, ‘no!

Maging kami, tineteks at tinatawagan namin si Cogie, pero hindi nagri-ring ang kanyang telepono.  So, we therefore conclude na nagpalit na siya ng phone o di kaya ay wala siyang celfone ngayon, dahil naisanla?

Naisanla daw, o!

Kiss ni John Lloyd Cruz at Luis Manzano, smack lang

BAKIT PARANG NAG-ISMAKAN lang daw sina John Lloyd Cruz at Luis Manzano sa In My Life?  Sobrang na-disappoint daw ang mga bading.  Sino’ng bading naman ang na-disappoint?

Eh, bago pa man gawin ang pelikula ay may disclaimer nang hindi ang naturang kissing scene ang ibinebenta sa pelikula kundi ang magandang istorya.

In fairness, base sa mga reaksiyon ng mga nakakausap namin, galing na galing sila sa movie.  Saka, once a year lang gumawa ng movie si Ate Vi kaya samantalahin na natin ang pagkakataong ito.

Movie nina Erap at Ai-ai, mauurong

MERON NANG OCTOBER playdate ang “Tanging Pamilya nina Joseph Estrada at Ai-Ai delas Alas, pero isang source ang aming nakausap at ang sabi, “Malamang, maurong ang playdate.

“Kasi, kasamang lumubog sa barko ang mga costumes.  Eh, me continuity ‘yon.  So, patatahi na naman, ‘di ba?  Eh, ‘yung designer, sabi, ang hirap daw gawin ‘yung wedding gown.  Hindi puwedeng overnight.

“Kasi nga, kaisa-isa lang ang wedding gown na ‘yon.  Kung tutularan ‘yon, aabot pa ng two months bago mayari, kaya ewan ko kung ano’ng remedyo nila diyan!”

Sana naman, sa next movie ni Aling Dionesia Pacquiao ay wala nang mangyaring trahedya dahil baka sabihin, me balat siya sa puwet.

KUNG ME SIGNAL TV kayo, mapapanood n’yo ang “napakababaw” na talk show namin nina Dolly Anne Carvajal, Maui Taylor and yours truly, Papa O.

Walang time element at wala ring kalumaan ang mga episodes, dahil hindi namin kayang humabol sa mga nagbibigatang talk shows.  Pero kung type n’yong ngumiti, aba, Stop, Talk & Listen ang inyong panoorin at tiyak na maaaliw kayo sa “kagagahan” naming tatlo.

Three times a day kaming mapapanood, 12 mn, 12 nn at 6 p.m.  At kadalasan, napapanood kami sa bandang South, o kaya magpa-subscribe kayo sa Signal TV (kapatid ata ito ng PLDT).

At kung type n’yo namang makinig sa aming radio program, just tune in sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMommy Dionesia, deadma sa namatay na staff ng movie niya – Tita Swarding
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #150

No posts to display