NASA FRANCE pa rin si Coleen Garcia kasama ng asawang si Billy Crawford at anak na si Amari. Sinamahan niya ang mister sa France nung sumali ito sa “Danse avec les stars” o ang France’s version ng reality dance competition show na “Dancing with the Stars kung saan si Billy ang naging grand champion.
“Nandito pa kami sa France. We’ll be here siguro until first week of December,” ani Coleen sa ginanap na digital conference ng pelikulang Kaluskos.
“Actually hindi talaga siya bakasyon. Hindi talaga siya feeling vacation. Sa three months na we’ve been here, one day lang kami sa hotel and the rest of the time sa apartment na.
“Siyempre, iba siya sa buhay Pinas na may mga katulong, may mga nag-aalalay sa amin. Dito talagang we had to do everything ourselves, so ibang experience talaga siya,” kuwento pa ng aktres.
Ang Kaluskos ay pinagbibidahan ni Coleen at ipinalabas sa nakaraang 2022 Cinemalaya Independen Film Festival.
Magkakaroon ng theatrical release sa Dec. 7, 2022. Kaluskos is under the direction of Roman Perez Jr.
Handa na ba siyang magka-baby ulit?
“It’s a good time, it’s a good time naman. But it’s still up to God pa rin, at the end of the day,” sagot niya.
“Pero na-realize ko din naman na akala ko kasi, nung pregnant ako madali lang ito. Pero hindi.
“Two years na yung nawala sa akin na I don’t feel like it’s gonna be cut short anytime soon. Raising a child is not easy and ang sa akin kasi, gusto ko lang matutukan si Amari.
“And I feel like if we have another child now, doable naman, manageable naman, pero the way na natututukan namin siya ngayon, iba kasi talaga. Mas gusto ko yung focus talaga,” pahayag pa ng misis ni Billy Crawford.