NASA pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) ang wife ni Billy Crawford na si Coleen Garcia. Naunang lumipat sa Viva si Billy mula sa dati niyang talent management at pagkatapos ng ilang buwan ay sumunod naman sa kanya sa Viva si Coleen.
Ayon kay Coleen, na natakot siyang magpaalam sa Star Magic, pero naging maayos naman daw ang lahat.
“Takot talaga ako. Shen when I walked in the office, ang bigat ko, pero paglabas ko, ang gaan, ang gaan ng feeling because I didn’t expect them to be so understanding.
“Kasi naiintindihan din naman nila, especially now that I’m married na I really have to decide for myself especially when it comes to work,” paliwanag ng misis ni Billy.
Matagal din daw niyang pinag-isipan ang ginawang paglipat ng ibang management team at isa sa naging deciding factor niya ay ang pagiging Viva contract artist ng asawa.
Now that Coleen is back, muli raw siyang magiging visible sa paggawa ng peikula. Excited na rind aw siyang magtrabaho dahil matagal na rin siyang hindi nakakaarte.
Eh, kumusta naman si Billy bilang husband?
“Sobrang loving husband siya. Very maalaga, mahilig siya magluto for me, mahilig siyang mag-prepare ng food.
“Parang isa sa hidden talents and passions niya is cooking talaga and preparing food. So, hinahayaan ko rin siya to explore that passion of his, kasi parang dream niya rin mag-aral ng culinary one day,” pahayag niya.
Pagdating naman daw sa budgeting ay share-share silang dalawa.
“Kung may kailangan siyang bayaran, tapos, wala siyang pambayad at that time, he gets it from me, tapos ako, ganu’n din. Parang shared lang.
“Kasi, we don’t keep record, parang we just ask out of being polite, pero it’s understood na we’re there for each other, what’s mine is yours,” sambit pa ni Coleen.
La Boka
by Leo Bukas