CERTIFIED PARENTS NA sina Billy Crawford at Coleen Garcia!
Ito ang isa sa magandang balita sa showbizlandia ngayon. Isang healthy Baby Boy ang isinilang ni Coleen Garcia-Crawford kahapon, September 10 at 6:33 AM sa pamamagitan ng unmedicated water birth sa mismong bahay nila.
Yes, sa bahay mismo nanganak si Coleen na ngayo’y prosesong mas kino-consider ng mga nanay para na rin mas safe laban sa covid-19. Ito rin ang ideal birthing method ni Coleen na mas gusto niya na mas natural ang kanyang panganganak.
Agad na inihayag ni Coleen ang kanyang kasiyahan sa kanyang Instagram account.
“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” simpleng sambit ng new mom.
Ramdam ang excitement ni Billy Crawford sa kanyang bagong papel bilang isang Daddy sa kanyang little angel. Pinuri rin nito ang katapangan ng kanyang misis.
“Words can’t express what I’m feeling right now. Let me just say, thank You Father God for You have given us an angel! Also, bow and salute to you my strong, fearless, gorgeous, and loving wife!
“I have nothing but respect and gratitude for you! I am SO PROUD to be your husband and equally proud to be the father of our beautiful angel Amari! I’m proud of YOU! I LOVE YOU MY 2 LIL EVERYTHINGS” post ni Daddy Billy sa kanyang IG.
Dinagsa ng congratulatory messages ang mag-asawa sa kani-kanilang Instagram accounts. Ngayon pa lang ay inaasahan na magiging fully devoted parents sina Billy at Coleen lalo pa’t ishinare nila sa kanilang YouTube channel ang mga preparasyon nila para sa pagdating ng kanilang first-born baby.
Nakakatuwa dahil ilang araw lang ang nakakaraan nang ilabas ang bonggang pictorial ni Coleen Garcia, who is very much proud of her baby bump. Dyosang-dyosa ang tindig!
To Billy and Coleen, our sincere congratulations to your family!