NAPAPANAHON ANG pelikulang #Y nina Elmo Magalona, Sophie Albert, Kit Thompson, Slater Young, Chynna Ortaleza at Coleen Garcia sa direksiyon ni Gino M. Santos at sa panulat ni Jeff Stelton release thru Star Cinema simula ngayong Dec. 10. Istorya ito ng mga modernong kabataanG mayayaman, ang mga adventures ng isang generation na iniimpluwensyahan ng social media at Internet. Pati na rin ng you only live once o YOLO ideological lifestyle na pinaniniwalaan ng maraming kabataan.
Marami ang nagsasabing magaling si Coleen sa nasabing pelikula kaya’t agad siyang binigyan ng teleserye ng ABS-CBN. Super na-impress ang management ng Kapamilya Network sa galing na ipinakita niya sa #Y. Kakaibang character ang pinortray ni Coleen, isang wild na teenager. Sabi nga niya, “First time ko siyang napanood sa Cinemalaya, sobrang saya namin. The whole time, ako ‘yung kinakabahan kasi I really don’t know if I did well or very revealing ‘yung ibang part du’n. I was worried pero nang makita ko siya (Billy Crawford)… He’s very protected over me and very honest. Nang makita ko siya masaya, kampante na ako. I guess happy ako dahil masaya ‘yung family ko at masaya si Billy, approved sila at suportado nila ako.”
Experience ng buong cast working with the new director like Gino? “Minsan lang ako nakaramdam na baka hindi ko magawa, pero sabi ni Direk Gino, kailangan mong gawin itong pelikula. Kapag fit ka sa role, kailangan mong gawin. ‘Yung relationship namin ng buong cast sobrang gaang para lang kaming magbabarkada. Kaya siguro nakikita ninyo sa pelikula ganu’n ‘yung vibes,” say ni Chynna.
“Hindi ako naiilang sa mga co-actors ko sa film, magagaling silang lahat,” dugtong naman ni Sophie Albert.
“I study the character, nahihirapan ako, hindi ko agad nakuha. I explain to Direk Gino kung bakit? Pinaliwanag naman niya sa akin. Very open si Direk sa suggestion…” sabi ni Slater.
Ganito naman ang experience ni Elmo kay Direk Gino. “With Direk Gino, alam na alam niya ang direction sa movie. Alam niya ang gusto niyang gawin, the whole idea at ‘yun ang nagustuhan ko nang napanood ko ‘yung film. Sakto siya kung paano niya nabigyan ng justice ‘yung bawat character namin.”
Sobrang happy si Coleen working with Direk Gino. “Ang gaang sa set talaga, si Direk Gino pareho lang kaming ramp model noon. From the start, dumaan ako sa audition process. Nang nandu’n na at nagte-taping na kami, sobrang gaan lahat ng staff, nakikita naming he’s a very talented director. Para nga lang kaming naglalaro sa set. ‘Yun bang para kaming gumagawa ng school project. The outcome is really something so nice and it’s really something spectacular for all of us to watch. Hindi kami makapaniwala na nakabuo kami ng ganitong klaseng pelikula. Actually, we tape the entire films in 6 days. Para nga lang talaga kaming naglalaro. It’s so very amazing for all of us.”
Iba’t ibang feeling ang naramdaman nina Elmo, Chynna, Sophie nang pumasok sila sa bakuran ng Kapamilya Network. Pasimula ni Chynna, “Nu’ng unang makapasok ako ng ABS, nakakatuwa dahil bagong expereince ‘yun para sa akin, masaya.”
Si Sophie, hindi niya first time tumapak sa ABS. Kasi nu’ng bata siya, nag-workshop siya rito. Pero sobrang iba na raw ang itsura ng network ngayon. It’s a happy experience maging part ng Star Cinema ang movie nila. Masaya rin si Elmo sa pagpo-promte ng kanilang pelikula sa Kapamilya Network. “I’m really happy, pinayagan kami ng network (GMA-7) to be part of this project, it’s fun to be here in ABS-CBN, kahit teritoryo ito ng ate ko.”
Para kay Direk Gino, gusto niyang magkasundo-sundo ang mga network kaya nito kinuha sa iba’t ibang network ang kanyang mga artista. “Ayaw kong may away-away, gusto kong makita sila, actors. Gusto ko ‘yung relax, basta walang label ‘yung actors.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield