NALARO MO na ba ang Color Switch? Kung hindi pa, humanda ka na maadik sa laro na ito na halu-halong emotions ang dala, excite, tuwa, inis. Teka, bakit nga ba maaaring iba-iba ang maging emotions natin? Ito siguro ang maaaring maging reaksyon ng mga ibang tao habang naglalaro, nandu’n ‘yung saya kapag nakagawa ng panibagong high score, nandun ‘yung excitement kapag mabi-beat mo mismo ang iyong record o high score, nandun ‘yung lungkot na tipong mapapasabi ka na lang na “Sayang! Ginawa ko naman lahat. Ang lapit ko nang matalo ang high score ko eh, o high score man ng kaibigan mo.” P’wede rin na may halong inis na tila malapit mo nang matalo ang high score mo, pero nag lowbat, o kaya ay tinap mo naman, hindi ‘ata na-recognize, na-fall tuloy, pati ba naman ang color switch, pa-fall, may hugot. Pero teka, paano nga ba laruin ang color switch?
Ganito laruin ang Color Switch. Una ay kunin ang smart phone n’yo, magtungo sa Game Store or App Store at i-download ang Color Switch kung wala ka pa nito. Ano ang objective ng game na ito? Dapat i-tap mo ang bola palusot sa mga iba-ibang obstacles. Ita-tap palusot lang sa iba’t ibang obstacles, madali lang naman, teka hindi pa tapos dun na papasok ang Color Switch, kelangan ay mai-tap o malusot mo ang bola sa mga umiikot at gumagalaw na iba-ibang obstacles ayon sa kulay na ito. Ang bola mo ay maaaring maging color light blue, red, violet, at yellow. Halimbawa ay kulay yellow ang bola mo, ang bawat obstacles na gumagalaw o umiikot ay may mga kulay rin gaya ng mga nabanggit na kulay, kung kulay yellow ang bola mo, dapat ilusot o i-tap mo ang bola sa color yellow na part ng obstacle at makuha ang star para makapuntos ng isa at i-tap naman palabas para sa susunod na obstacle para maka-set ng high score. ‘Pag nakalagpas sa isang obstacle ay may bilog doon na may apat ding kulay at magbabago ng kulay at doon ibabatay kung anong kulay ang bola mo at saan siya ita-tap palusot. Kelangan ay tap lang nang tap para gumalaw ang bola, dahil ‘pag binitawan mo, mahuhulog ito.
Paano kung tinap ko ang bola kong kulay yellow sa ibang kulay? Hindi p’wede at magge-game over ka at bawal ding madikit ang bola mo sa obstacle, lalo na’t gumagalaw ito at baka sa ibang color madikit, magge-game over kang muli. Ang star ay hindi lang nagsisilbi na puntos, para rin itong token upang p’wedeng magamit sa shop at bumili ng ibang klase ng bola mo, tulad ng happy face, snowflakes, square, padlock, at iba pa.
Nakaa-adik at nakatutuwa talaga itong game. At hindi lang ‘yan, hindi ka basta-basta magsasawa dahil meron itong iba’t ibang game modes na p’wede nating laruin, kagaya ng Challenge, Reverse, Races, Cave, Color Swap, Color Fly, Gravity, at Split na merong iba’t ibang dami ng stage na maaaring tapusin natin.
‘Di ba, nakae-excite laruin ang game na ito? Tara na at i-download ito sa ating mga phone at i-enjoy ang game, mag-set na ng high score!

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo