MALIBAN sa pagiging magaling na aktor at aktres, hindi naman sikreto sa madlang pipol na singers din sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Dahil walang outlet for their music pursuits, the lovebirds are making their fans happy with ‘CoLove’, ang series ng collaborations ng DenJen.
Marami-rami na rin ang kantang na-cover ng dalawa with Dennis also handling the drum set. Ang latest nga ay ang version nila ng classic hit song na ‘Can’t We Try’ na originally ay inawit nina Dan Hill at Vonda Shepard.
Ang saya dahil swak na swak sa gloomy weather ang kanta. Sarap mag-emote!
As of writing ay dinadagsa ang dalawa ng more requests. Hmmm.. bakit kaya hindi na lang sila maglabas ng duet album? Watcha think?
Vlog Watch