BLIND ITEM: SINO ang komedyanang ito na kaya walang boyfriend ay dahil aminado rin siyang kasalanan niya.
Alam n’yo kumbakit? Pa’no kasi, nu’ng nagka-boyfriend ang hitad, nu’ng nag-one-night daw sila ay hindi niya kinaya.
Ang buong akala namin, hindi niya kinaya, dahil “daks” o dahil sobrang “dyutay” ng notes o bangkay pagdating sa kama.
“Magaling naman siya. Napapasaya niya ‘ko. Ang hindi ko lang kaya eh ‘yung ginagawa niya. ‘Pag hinahalikan na ‘ko sa binti, mamatay talaga ako, kuya. Pro-mise.
“Mamamatay ako sa kiliti! Eh, dahil nga makilitiin ako, lalo pa ‘kong kinikiliti, kaya hindi ko namamalayan talaga, natatadyakan ko na pala siya.
“Nakakapanakit na ‘ko, kaya ayun, as of now, wala akong dyowa. Sobrang buong katawan ko yata, nakukuryente, lalo na binti. Dyusko po, ikamamatay ko talaga!”
Alam n’yo, true ang sinasabi niya, dahil pag nalilingat ang hitad, bigla naming hinahawakan sa legs at magkikikisay na parang mauubusan ng hininga!
Sabi ko sa potah, “Buti, hindi mo ‘ko tinatadyakan?”
“Nako, ‘no! Takot lang sa ‘yo, kuya!”
Hahahaha!
ALAM NAMAN NAMING everybody is entitled to his own opinion. Nag-opinyon ang mga artista tulad nina Monique Wilson, Aiza Seguerra, Tintin Bersola, Kat de Castro, Lea Salonga, Rica Peralejo at iba pa sa kanilang Twitter account tungkol sa pagpapasayaw ni Willie Revillame sa 6-year old kid ng macho dancing bilang talent sa Willing Willie.
Magulang din kami. Apat ang anak namin. Kahit wala kaming baby boy, maiintindihan namin kung ano ang nais ipunto ng mga magulang na kumokondena sa eksenang nagma-macho dan-cing ang bata.
Kung kilala nga namin si Willie, alam naming ang intensiyon niya ay mapasaya lang ang kanyang audience, kaya “ginasgas” niya ang talentong “macho dancing” ni Jan-Jan sa kanyang show.
Kung hindi sana ginasgas ‘yon at hindi na pinagsayaw pang muli ‘yung bata sa platform bago mag-commercial, okay na sana, eh. Kaso, ganu’n uli ‘yung bata. Seryoso, mangiyak-ngiyak habang tuwang-tuwa naman ang au-dience.
Alam din naming wala sa isip ni Willie ang i-exploit ‘yung bata. Wala sa isip niyang naaabuso na pala niya ang pagkabata ni Jan-Jan sa ere.
Heto’t ilang sektor ang umalma. Hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Sumobra sa sapat, ‘ika nga. Kaya asahan nang katakutakot na batikos ang aanihin niya.
Hindi namin sinisisi si Willie. Alam naming gusto rin niyang tulungan ‘yung bata at ang pamilya nito. Pero hindi naman ang intensiyon ng pagtulong ang kinukuwestiyon, eh.
‘Yung panggagamit sa kainosentihan ng bata na naging source ng “happiness” ng live audience.
Pero sana, ‘wag nating tirahin ‘yung mga nagmamalasakit sa bata. Hindi nila kaanu-ano ‘yung bata, pero nakitaan sila ng concern at awa sa bata.
Naiintindihan namin si Willie at naiintindihan namin ang mga concerned citizens. Pero sana, laliman natin ang pag-intindi sa mga sitwasyon.
After all, kahit naman sa anak n’yo mangyari ‘yon, makakaasa rin kayo ng parehong malasakit at awa mula sa mga artistang nagbubulalas lang ng kanilang concern.
Kung sa anak namin mangyayari ‘yon? ‘Yung pagsasayawin na kunwari’y macho dancer? Hindi namin papayagan.
Ang titigas ng katawan ng anak ko, eh. Chos!
Masyado na kasing serious. Nagpapatawa lang po. Hehehe.
(Parang ako lang ang natawa yata?)
BUKAS NA, SATURDAY at 8pm ang first major solo show ni Lloyd Zaragoza, ang One Night Only with Lloyd Zaragoza, sa Area 05 Music Hall (dating Ratsky Morato). Kinakabahan na nga ang batang napapaligiran ng tattoo sa katawan.
Bihira kaming maka-appreciate ng talent. Pag singer, kailangan, unique ang boses o talagang may voice quality. Si Lloyd, parang underrated lang talaga, eh.
Mabigyan lang ng chance ito o mapasama sa “ASAP Rocks,” makikipagkabugan ito sa ASAP Sessionistas, eh. Promise.
Nood kayo sa April 2, at kayo na ang humusga kung hindi kami nagsasabi nang totoo.
At pag nanood kayo, nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa mga breast cancer patients na sinusuportahan ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc.
Nagpapasalamat din si Lloyd sa dati niyang manager, si Kuya Boy Abunda, dahil pinayagan nito na mag-guest sa kanyang show si K Brosas, ang “kaibigan” niya.
P500 lang ang ticket price, kaya kung gusto n’yo, tawag lang kayo sa 0915-7765924. At may “surprise guests” pang makiki-jam.
Oh My G!
by Ogie Diaz