NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipanadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Idol, ito po ang reklamo ko sa isang eskwela umpisang grade 1 hanggang 6 na pinababayad kami ng 50 pesos para sa bakod daw. Kung pwede po sana mapatigil ito. Salamat, concerned citizen po.
- Sir, i-complain ko itong mga computer-an dito sa tapat at tabi ng Rizal High School ng Dr. Sixto Antonio Ave., Caniogan, Pasig City at maraming student naka-school uniform pa. ‘Di ba, Idol, bawal ‘yun? Tulungan n’yo po ako at ang mga bata. Isa na ang anak ko, nasira ang pag-aaral, nasira ang ulo ng ana kong grade 9.
- Isa po akong concerned citizen dito sa Banaba Extension, San Mateo, Rizal. Kasi po, ang basura na nakatambak po rito sa bungad ng Banaba Extension ay ‘di po hinahakot, bumabaho na po, delikado po sa kalusugan ng mga residente po rito. Sana po matulungan ninyo po kami, Idol Raffy. Salamat po.
- Ako po si Emily, nakatira po sa Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. ‘Yung brangay po namin naniningil ng P30 kada bahay buwan-buwan. Puwede po bang ipahinto ‘yan? Kasi napakalaking pera po ‘yan. Concerned citizen po ako.
- Good afternoon po. mayroon akong reklamo tungkol sa basura namin na tatlong linggo nang hindi pa kinukuha sa Paradahan 1 sa Camp Riego de Dios, Tanza, Cavite. Minsan kada dalawang linggo, ngayon ang tagal, tatlong linggo na.
- Hi, Ma’am Niña and Idol Raffy Tulfo. Sumbong ko lang po ‘yung OVERPASS sa Lopez, Parañaque. Matagal na pong ayos ‘yun since last year pa po. Mga 8 or 9 months nang tapos hindi pa rin binubuksan para daanan ng mga tao, kaya po kung saan-saan na lang sila natawid. Sana po masolusyonan agad. Salamat po. God bless.
- Good pm po, concerned citizen po ako, taga Brgy. 185, Malaria, Caloocan City. Ang health center dito naniningil ng donation ‘pag nagpa-immunization, naniningil po sila ng 50 pesos. Paki-aksyunan po, Sir Raffy at Maam Niña. Thanks.
- Good pm, Sir Raffy. Dito sa amin sa health center sa Brgy. San Isidro, Koronadal, South Cotabato may bayad po ang karayom para sa immunization ng mga bata. P25 kada 1 karayom. Sir, gusto ko lang malaman kung talagang may bayad ang karayom, eh government naman po.
- Good pm, Idol. Wala ‘yan sa pulis-Taguig, Block 4 sa Signal, ‘pag nahuli ka sa tupada, posasan ka at ikulong, ‘pag nakabayad ka ng 2k, labas ka na wala ka namang kaso. Nang-holdap lang sila.
- Good pm, Sir Tulfo, paaksyunan ko lang po sa Guadalupe Tulay Ilalim papuntang Rockwell, kabilaan po, napakadelikado po ang mga manhole nasa gilid ng kalsada, sira-sira po, malalim ang lubak, nakakadisgrasya po. Halos 10 years na pong ganyan diyan. thanks po.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo