ISANG MALAKING FLOP ang concert ni Pokwang sa Aliw Theater kamakailan lang. Kahit puro sikat na recording artist ang naging special guests niya ng gabing ‘yun, hindi naging effective para siya panoorin! Sorry to say, hindi niya nadala ang sarili niyang show! Hindi man aminin ng producer na si Joe Ed Serrano, milyon ang nalugi sa kanila sa nasabing concert. Nang tanungin siya kung totoo ang balitang flop ang kanilang show ni Pokie? “Sa akin na lang kung kumita o hindi, ayaw kong mag-comment,” malungkot na sabi ni Joe Ed.
Kapag ganito ang naging sagot, walang dudang nilangaw sa takilya ang palabas mo! Pagpapatunay lamang na wala pang box-office appeal sa masa ang singer-comedienne kahit may noontime show pa siya everyday.
Hindi pa kaya ni Pokwang na mag-show sa malaking venue. Please lang, huwag magpumilit! Tuloy, iisipin mo, hanggang Metro Bar na lang ang beauty ni Pokie? Muntik na ngang hindi kumita ang huling show niya sa nasabing bar dahil na-overbudget ito sa dami ng kanyang request.
Nangangarap pa naman si Pokwang mag-concert sa Araneta Coliseum next year. Hanggang ilusyon na lang kaya ang pangarap niyang ito? Wala naman kasing originality itong si Pokie. Mala-Aruray ang looks, pagdating sa pagpapatawa nag-aala-Ai Ai delas Alas, pati outfit at concept, ginagaya ang Comedy Queen.
May tsika pa ngang naghakot diumano ng mga tao sa ASAP ang grupo ni Pokwang para lang magmukhang maraming tao. Binuksan pa nga raw ang main door ng Aliw Theater for free para mapuno ang venue. Pero kung pagbabasehan mo raw ang ticket selling, wala pa sa kalahati ang totoong nagbayad para manood ng concert.
Pinabulaanan ng grupo ni Pokwang ang tsismis na hindi kumita ang kanilang show. Katuwiran nila, napakalakas ng ulan ng gabi ng concert. Hindi man super hit, ang importante hindi nalugi ang producer, pagdidiin ng kampo ni Pokie. Ang tanong, bakit parang wala sa sarili ang produ kapag napag-uusapan ang concert ni Pokwang? Isang masamang panaginip para kay Joe Ed, ayaw na niyang maalala! Ganu’n?
ITO ANG TOTOO! Successful ang 1st solo concert ng Pilipinas Got Talent champion na si Jovit Baldivino na “Faithfully” sa Aliw Theater last November 13. Pinanabikan ng publikong mapanood nilang mag-perform nang live ang kanilang idolo. Maaga pa lang, nakapila na ang mga fans bitbit ang mga tarpaulin ni Jovit para suportahan ang hinahangaan nilang singer.
Kahit halatang may kaba at nerbiyos si Jovit sa opening number, bigay-todong nararamdaman namin with feeling ang lyrics ng kanyang awitin. Nang sumunod na song numbers ng binata, na-relax na ito, buong husay niyang nabigyan ng justice ‘yung melody of the song. Napakaganda ng selection of songs na inihanda ni Nyoy Volante para kay Jovit na siyang musical director. He put new twist on those songs, something new for the singer.
First time ni Nyoy to be musical director since he joined the Star Magic’s stable of talents. Malaki ang paghanga niya sa ganda ng boses ni Jovit. “Marami pa siyang puwedeng ibigay as a singer and I believe malayo pa ang kanyang mararating,” say ng singer/composer.
Nakaragdag saya ng gabing ‘yun sina Melai Cantiveros and Jason Francisco with their sing and dance number. Matindi rin ang solo and duet ni Yeng Constantino with Jovit na kinakiligan ng manonood.
Siyempre, pinakamatindi ang tilian, palakpakan nang lumabas on stage sina Kim Chiu and Sam Milby. Nagbigay sila ng kani-kanilang solo numbers na ikinatuwa ng kani-kanilang mga tagahanga.
Again, congratulations Jovit!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield