MULING NAGBABALIK SA telebisyon ang batikang aktres na si Coney Reyes via ABS-CBN’s newest television series 100 Days to Heaven kasama ang child superstar na si Xyriel Manabat. Kasama rin sa bagong series sina Jodi Sta. Maria at Louise Abuel.
In the series, gumaganap si Coney bilang si Anna, ang istriktong may-ari ng The Toy Company, na dahil sa kanyang pangit na nakaraan ay naging hindi mabuti ang pakikitungo sa kapwa. Namatay siya sa isang aksidente at ang kanyang kaluluwa ay napunta sa isang lugar kung saan narinig niya ang boses ng Diyos na nagsabing siya ay patay na. God gave her a second chance to live for 100 days as a child (portrayed by Xyriel) to fulfill her mission of finding the people she had offended at itama ang kanyang mga nagawang pagkakamali sa mga ito.
Ayon sa abs-cbnNEWS.com, Coney said the series is an answered prayer for her. “I’ve been praying for a show na, ‘Lord, iyong magbibigay ng pag-asa sa tao’. Kasi sa dami ng nangyayari sa buong mundo iyong mga tao nadi-discourage, nadi-disillusion, in despair. So dito sa show na ito, ipapakita natin na kailangang alisin na natin ang poot, galit sa puso. This is what 100 Days to Heaven is all about.” Coney felt blessed and honored na siya ay kabilang sa programang ito.
Medyo matagal-tagal na rin nating hindi napanood si Coney who was last seen on Rubi as Elisa Ferrer, the mother of Diether Ocampo’s character in the series. At hindi naman matatawaran ang husay sa pag-arte ni Coney na naipamalas na niya sa mga ABS-CBN series gaya ng Ysabella, Ang Munting Paraiso at Sa Puso Ko Ii-ngatan Ka.
Aside from her acting, Coney is well-remembered for her long-running and top-rating weekend afternoon drama anthology Coney Reyes on Camera which ran from 1984 to 1998. Nakatanggap ang show ng mga awards at citations mula sa Star Awards for TV at Catholic Mass Media Awards.
Samantala ay puring-puri naman ni Coney ang batang si Xyriel, “Si Xyriel, napapanganga ako kay Xyriel, sobrang galing niya.” Muli tayong pabibilibin ni Xyriel sa kanyang kakayahan sa pag-arte na ipinakita niya sa mga teleser-yeng Agua Bendita, Momay, Noah at sa mga pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!) kung saan siya nanalo ng Best Child Actress sa 36th MMFF at sa Pak! Pak! My Dr. Kwak!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda