NGAYONG TAON, gagawaran ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng lifetime achievement honors sina Ms. Coney Reyes and Ms. Maria Ressa, sa kanilang 29th PMPC Star Awards for Television.
Si Coney ang unanimous choice ng PMPC upang maging recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, ang pinakamataas na karangalan sa gabing ‘yon, na ibinibigay sa artista, direktor o producer na may malaking kontribusyon at achievements sa larangan ng Philippine television.
Samantalang si Maria Ressa naman ang napagbotohan ng majority ng voting members ng nasabing award-giving body, upang maging recipient ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement (for broadcasters naman).
For Coney, 1970s pa lang ay kapiling na natin siya sa Student Canteen noontime show, hanggang sa nag-evolve ang pagka-aktres ni Coney dahil nagkaroon siya ng own drama shows sa mga sumunod na dekada – Coney Reyes Mumar On The Set, Coney Reyes On Camera, etc – na mga “nagpaluha” sa Pinoy audience na mahihilig sa drama.
Take note na producer din si Coney ng mga nasabing drama shows niyang ito na maituturing nang classic TV shows.
Lumipas ang ilan pang dekada, nandiyan pa rin ang isang Coney Reyes at marunong mag-reinvent nang sarili bilang isang beteranang aktres – at makikita natin siyang umaarte pa rin in major roles on TV, maging sa GMA man o ABS-CBN.
As for Maria, halos dalawang dekada itong naging Manila Bureau Chief sa prestihiyosong CNN News. Bilang CNN lead investigative reporter sa Asia, nag-specialize siya sa imbestigasyon ng mga gawain ng terrorismo.
Naging head din siya ng ABS-CBN News and Current Affairs mula 2004 hanggang 2010, hanggang sa itinayo nito ang Rappler, isang popular news website sa bansa.
Tulad ni Coney, nakatanggap na rin ng iba’t ibang awards in the past si Maria.
Ang 29th PMPC Star Awards for Television ay gaganapin sa December 3, Thursday, 8:00 PM, sa Kia Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, produced by Airtime Marketing. Congratulations!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro