NAKATUTUWA SI Ms. Coney Reyes. Very bubbly pa rin siyang magsalita. Kapag natutuwa siya, humahagikhik siya. Kung ano siya noon, ganu’n pa rin siya.
Sa katunayan, kuntodo explain nga ang aktres sa mga kasamahan niya sa bagong teleseryeng Nathaniel sa Kapamilya Network, simula na tonight (after TV Patrol) na ang role niya bilang “gahaman” sa pera ay role lamang at malayo sa katotohanan.
May mga eksena kasi si Ms. Coney, kung saan haharap siya sa daan-daang ekstra bilang isang motivational speaker na sa mundong ibabaw, mahalaga pa rin ang pera para mabuhay na taliwas sa totoong paniniwala niya tuwing naiimbitahan siya (in real life) para magsalita sa mga pagtitipon para mag-share ng kanyang buhay at ang pananaw niya bilang isang Kristiyano.
In short, si Ms. Coney ang “The Devil” personified sa serye, kung saan dahil sa kanyang pagkagahaman sa material na bagay (kayamanan, pera, power, etc.) napalalayo ang tao sa Diyos na ang batang anghel si Nataniel played by Marco Masa ang siyang makatutuwang ng mga good people sa serye para muling manumbalik ang pananampalataya ng tao sa Diyos at ang pagbabalik-loob nila.
Inspirational ang seryeng Nathaniel na isa sa mga advocacy ng Dremscape Entertainment na hindi lang aliw ang gusto nilang ibahagi sa mga manonood ng mga serye nila kundi magkapa-impart din ng magagandang values.
Reyted K
By RK VillaCorta