Confessions of Jade Lopez

Jade-LopezHINDI MAIPAGKAKAILA NA kung sa longevity sa showbiz ang pagbabasehan, mas maraming graduates ng Starstruck Batch 1 ang hanggang ngayo’y aktibo pa rin. From time to time ay nagli-lie low ang mga ito, pero sinusuportahan pa rin ng fans ang kanilang comeback.
Masasabi namin na ang Starstruck Batch 1 girls ang talagang may staying power. Lahat sila ay visible pa rin sa pelikula’t telebisyon. Aminado naman si Jade Lopez na may time na naisipan niyang lisanin nang tuluyan ang showbiz at magtrabaho na lamang bilang flight attendant. Naging matumal kasi ang dating ng offers sa kanya dahil hindi nito keri ang bonggang pagpapa-sexy.

 
“Oo, kasi marami akong pinsan na magmi-migrate sa Canada at Dubai. Kahit kapatid ko napapaisip din since ‘yung opportunity for him (as an Engineering graduate) ay nandoon. Ako naman as a BS Psychology graduate ay limited din ang opportunities dito,” esplika nito.

“At one point in my life, naisipan kong maging flight attendant, pero parang ayaw akong paalisin. Parang hindi ko destiny!” natatawa pa nitong sabi.

 
Ilang buwan lang ang nakakaraan nang mag-blog ito sa www.jadelopez.net ng frustrations niya bilang isang artista. Just weeks after publishing that post ay in-offer-an siya ng GMA-7 na mapasali sa ‘My Faithful Husband’ with fellow Starstruck graduate Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

 
“Sa akin naman kasi ngayon, hindi na ako naghahangad ng much more. Ang importante sa akin, nagagawa ko pa rin ‘yung passion ko and at the same time, kumikita ako.”
Sa duration ng kanyang paglabas sa My Faithful Husband ay lumabas ito sa Karelasyon, Wish Ko Lang, at Starstruck 6 Acting Challenge. In fairness, pang-teen star pa rin ang aura nito, huh!

 
Wala pang bagong teleserye si Jade as of writing, pero mapanonood ninyo siya sa Anak OFW Film Festival na nag-premiere noong December 10, 2015 sa SM Megamall. Siya ang bida sa short film na ‘Confessions of Grace’, tungkol sa negatibong epekto ng human trafficking sa mga kababayan natin na kumakagat para sa easy money. Ang makabuluhang film festival na ito ay mag-iikot nationwide starting February 2016.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleKimXi, inggit sa JodIan
Next articleMTRCB at CHR, sanib-puwersa para sa karapatang pantao

No posts to display