CONFIDENT WITH ‘FANTASTICA’: Vice Ganda, proud sa MMFF entry with Richard and Dingdong!

Vice Ganda

SA GRAND media conference ng pelikulang Fantastica ni Vice Ganda, sa open forum pa lang ay patawa na nang patawa ang komedyante.

Bawat sundot niya ay matatawa ka na kung hindi man mapapangiti ka sa sinasabi ng unkaboggable box-office superstar.

Ganun naman yata talaga ang “special talent” ni Vice na sa pagbuka ng kanyang bibig ay may kabaliwan siya na isasabog anytime, all the time na lahat ay maaapektuhan. Lahat ay magre-react sa katatawa.

Sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Star Cinema at Viva Films ay hataw na ang full trailer na napanood namin last night. Bawat artista na kabilang sa obra ni Direk Barry Gonzales, alam mo na no dull moments ang mga eksena.

Paniguro ni Vice sa publiko na mas malalang tawanan at halakhakan ng mga manood ng filmfest entry niya.

Panigurado ng komedyante: “I wanna tell you right now, everyone’s gonna have a great time watching Fantastica. Isinusumpa ko, nakakatawa ang pelikula namin,” sabi ng komedyante.

Paglilinaw ng komedyante tungkol sa pelikula niya: “Ito ay hindi lang raket, ‘di namin kayo niraraket, talagang patatawanin namin kayo. Hindi po ako natatakot, na baka may lumabas sa inyo (sa sinehan), na hindi natawa sa pelikula.

Fantastica lead stars Richard Gutierrez, Vice Ganda and Dingdong Dantes

“Sinisigurado ko po na tatawa kayo.  Mayroon at mayroong eksena sa pelikula na magpapatawa sa inyong lahat. Hindi namin kayo sinisindikato, masayang pelikula po ang panonoorin ninyo sa Pasko,” pahayag niya during the open forum.

Sa mga previous movies ng komedyante, ang paborito niyang si Direk Wenn Deramas ang kadalasan direktor niya sa mga festival entries niya.

But this time ay iba na. Dati si Direk Joyce Bernal pero nasabihan na siya na hindi daw ito pu-pwede for an MMFF movie kaya si Direk Barry ang pansamantalang nagmaneobra sa pelikulang Fantastica with Vice.

Namatay si Direk Wenn, hindi pwede si Direk Joyce for a Vice Ganda movie. May ibang plano ang komedyante sa pelikula na handog niya sa mga bata at buong pamilya ngayong Kapaskuhan.

Kuwento ni Vice: “Actually, I had no one in mind, when I was asked kung sino ang gusto kong maging direktor ulit. Kasi si Direk Joyce Bernal, nag-beg off.  ‘Yung last movie pa lang namin na ginawa, sinabi niya, hindi muna ako sasama sa next movie mo, kasi meron akong gagawin. Pero huwag kang mag-alala, kasama ako sa creative, tapos ako ang mag-i-edit, tapos sasama ako sa first shooting. Hanggang sa last shooting,  kasama pa rin si Direk Joyce.

Richard Gutierrez, Vice Ganda and Dingdong Dantes

“Kaya nung nag-usap kami ng Star Cinema, tinanong nila ako, “Sino ang gusto mo na maging direktor?” Wala na talaga akong maisip, kasi wala akong masyadong kilalang comedy director pero yung Star Cinema mismo ang nagsabi, i-try mo si Barry Gonzales. Sabi ko ’Ay kilala ko si Direk Barry. Magkakilala kami, nakasama ko na siya kay Direk Wenn, at saka ala-alaga rin siya ni Direk Wenn,” kuwento niya.

Walang naging problema si Vice with his new director. Magkasundo sila lalo pa’t nasa team pala si Direk Barry ni Direk Wenn na mas napabilis pa ang pagtatapos ng pelikula nila.
            

Sa Fantastica, dalawa ang mga leading men ng komedyante na sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

“May kissing scene kami. Abangan nyo:” natatawang sabi ni Vice na ewan ko kung seryoso siya sa sinabi sa grand mediacon.
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleDREAM COME TRUE: Coco Martin, thankful sa pagkakataon na makasama si Vic Sotto sa isang pelikula!
Next articleFOR A CHANGE: Kim Chiu, napapayag sa tatlong love scenes sa ‘One Great Love’

No posts to display