IBINUBUNTON NI ROSANNA Roces ang sisi particular na kay Senator Bong Revilla ang kuhang nakangarat (flashing a dirty finger sing) ang kanyang apong si Gab na ngayo’y laganap na sa internet.
Ani Osang, kanino raw ba matututunan ng bagets ‘yon kundi sa lolo nito (Bong), kundi man sa ama ng batang si Jolo na pag nabubuwisit sa ama ay nginangaratan niya?
Pasok sa banga ang argumentong iyon ni Osang until curiosity got the better of me. Aminadong ignorante sa teknolohiya, ipinahanap ko sa aking Startalk co-worker ang facebook kung saan matatagpuan ang kuhang ‘yon ni Budoy.
When searched, tumambad ang larawan ng bagets, bahagyang natatakpan ang kanyang mukha ng nakataas niyang kamay na naka-dirty finger. Katabi niya ang lolang si Osang kung saan in full view ay nakangarat din ito.
Sa isip-isip ko, ‘ika ko, si Bong o si Jolo nga ba ang nagturo sa bagets ng sign na ‘yon ?
Again, to my mind, mabuti pa ang water dispenses, may hot, may cold. Sa kaso ni Osang, sala sa hot, sala sa cold.
Nu’ng dalawin-dili ni Jolo si Budoy, may sey si Osang na kesyo pinababayaan ang bata. Nang magkasakit ang bagets (primary complex), kinanlong ng mga Revilla na sinang-ayunan naman ng kanyang anak na si Grace, may sey pa rin ang hitad.
And out of desperation, ang tubig para kay Osang na dapat sana’y nasa ng kanyang dispensing na gallon has become an ocean of downright cheap issues manufactured by her figment of equally cheap imagination.
Kesyo ‘wag na raw makisawsaw si Bong sa Katrina-Hayden sex video scandal dahil nasa bakuran din daw nito ang nagaganap na tsugihan sa kanyang driver at yaya ni Budoy.
Talk about morality. Hindi yata ang tipo ng papalit-palit niyang pangalan (Jennifer in real life), Hazel (in her Pegasus days), Ana Maceda (at the height of Bruneiyuki probe), Rosanna (when she became Seiko’s prized jewel) Lola Bombshell (nu’ng magkaapo na siya) hangang Aurora (her character in the the MTRCB-banned film) ang makakakumbinsi sa publiko na nagbago rin ang takbo ng pag-iisip niya.
PROBABLY TOO EARLY to tell kung hindi papayagan ng GMA-7 si Dingdong Dantes na i-promote in any of the station’s programs ang pelikulang Kimmy-Dora.
But as far as I know, inaayos na mismo ni Dingdong ang “conflict” even if hindi ang GMA Films kundi isang independent film outfit (Spring Films) ang nasa likod ng kung tutuusi’y launching movie ni Eugene Domingo (na isa ring GMA artist).
Sana lang, maging “universal” ang batas na pairalin ng GMA. Huwag nating kalimutan na namuo ang friendship sa pagitan ng GMA Films at Star Cinema when they respectively produced movies that starred Richard Gutierrez and KC Concepcion.
Hindi ba maaring i-apply it okay Dingdong kahit na ang nakabalandra naming producer ng Kimmy-Dora ay si Piolo Pascual na hindi naman kumakatawan sa Star Cinema? To Ms. Anette Gozon-Abrogar, fyi lang po, mga taga-Siyete ang halos bumubuo ng cast ng naturang pelikula.
But more than the dominance of GMA artists, the producer’s message is very strong: Kimmy-Dora is not about network war. Wala itong pretension kundi patawanin ang mga manonood na walang pakialam sa away ng mga istasyon na wala namang aaming pumapangalawa over the other.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III