Congw. Lani Mercado, utak-tahong?!

KUNG ISINULONG ng GMA noon ang slogan na “Think before you click”, Bacoor Representative Lani Mercado may as well adopt “Think before you speak”.

Marami kasi sa ating kababayan ang dismayado sa tinuran ng may bahay ni Senator Bong Revilla sa naipatupad nang abolisyon ng pork barrel mula sa mga mambabatas ng Mataas at Mababang Kapulungan.

Ani Lani, huwag daw asahan ng kanilang mga nasasakupan na makapaghahatid sila ng tulong dahil hindi raw sapat ang kinikita ng mga mambabatas na kanilang inilalaan para sa kanilang mga pamilya.

Sa puntong  ‘yon, umalma ang ating kababayan, na hindi naman kapos sa kaalaman hinggil sa tungkuling iniatas sa mga tulad ni Lani: ang gumawa at maipasa ang mga panukalang batas para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Kunsabagay, must Lani and her ilk always depend on their PDAF to extend help? Maraming pulitiko ang bumubunot mula sa kanilang mga bulsa—na hindi galing sa gobyerno—sa ngalan ng paglilingkod.

These are the selfless public servants whose service does not depend on government resources, pero on their own ay gumagawa ng mga paraan para makatulong at maiangat ang kabuhayan ng mga taong kinalampag at niligawan nila sa bawat eleksiyon.

Ito na yata ang pinakamalaking boo-boo ni Lani sa kanyang bubot na termino bilang congresswoman ng Bacoor. Kahit yata mga tahong sa baybayin ng Cavite ay bubuka para ipagsigawan ang utak-tahong ding meron ang mambabatas na ito!

TAMPOK SA One Day Isang Araw bukas si Sunshine Dizon sa episode na Mommy Kong Mamaw directed by Lore Reyes.

The scene opens when Isay is caught crying on the treehouse, galit kasi ito sa kanyang istriktong ina. Dahil dito, Uno recalls a story about a boy named Nonoy  who wishes to have another mother.

Mahigpit daw si Tess (Sunshine) kay Nonoy at sa kapatid na si Mimi. Pinagbabawalan daw sila nitong lumantak ng matatamis na pagkain, maglaro palagi ng video games at iba pa. Nonoy resents his mom’s disciplinary style.

Nonoy then stumbles upon a wishing well and tosses a coin into it para sa hiling na magkaroon ng ibang nanay. His wish is granted, he’s now with a mom who lets him eat sweets, play video games and even tolerates him for not attending school.

Kaso, makarma si Nonoy who later discovers na maligno pala ang kanilang bagong ina. To undo the spell, he has to go back to the wishing well pero giniba na pala ito. Nonoy is also being pursued by the evil surrogate mother. Now his wish is to have her real mom return, matupad kaya?

One Day Isang Araw airs after GMA weekend news on Saturday.

Aktres na Misis ng Sikat na Male Personality, Naka-Confine sa ICU ng Isang Ospital?!

 

BLIND ITEM: For his sixty something age, maliban na lang kung meron na siyang medical history ay cause of panic nang pumalo ang BP o blood pressure ng isang tanyag na personalidad sa 100/160 kamakailan.

His BP surge, in fact, was ill-timed. Nataon kasing malapit na niyang ipagdiwang ang isang espesyal na okasyon sa kanyang buhay.

Excited kaya siya kaya tumaas ang kanyang BP? Or was he depressed dahil palihim na pinag-uusapan na nagka-mild stroke ang kanyang misis? Pero nagtatalo ang iilan sa mga nakaaalam ng balitang ito, granting daw na mild stroke lang ang sinapit ng kanyang misis (na isa ring aktres), why was it secretly reported that she got confined at an ICU of an undisclosed hospital?

Hindi na mahalaga ang kundisyon ng misis ng popular male celebrity na ito, nor his own medical state. Ipagdasal na lang natin na dire-diretso na ang paggaling ng kanyang asawa na pinanghihinayangan namin ang kanyang pagkawala sa nasimulan na niyang teleserye.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleLoveteam, friends with benefits ang drama
Next articleMovie Producer Vs. Showbiz Entertainment Editor

No posts to display