KAPAG NAGKATAON, MAPAPAHIYA ang buong creative team sa likod ng isang teleseryeng kamakailan lang nag-umpisa, kung mapapatunayang maliwanag na kaso ito ng plagiarism o pangongopya ng materyal mula sa orihinal na may-akda nito.
Isang acquaintance ang nag-text sa inyong lingkod, bungad niyang tanong ay kung sinu-sino raw ba ang bumubuo ng writers’ pool sa likod ng teleserye. Binanggit ko ang isa sa mga pangunahing manunulat ng teleserye, her full name slipped my mind though.
Ayon sa aming kakilala, orihinal na konsepto ‘yon ng kanyang kaibigan, but how could his friend prove that the original concept was his? Naiparehistro ba niya ito? Nabigyan ba siya ng kaukulang intellectual property rights to the original material?
Panangga ng kaibigan ng aming ka-text, nasa pag-iingat pa raw nito hanggang ngayon ang first draft ng isinumiteng kuwento for a possible TV production, which he presented to the network years ago. But as for the copyright law to safeguard his intellectual property ay wala raw itong pinanghahawakan.
Again, we would like to give our source the benefit of the doubt. As we all know, kahit ang mga authors ng history books ay hindi 100% accurate in their chronicles of events. So, alam mo na, Kuya Dan, which teleserye I’m referring to!
(By Ronnie Carrasco III)