KALOKAH!! Natalbugan ang pagka- ”semplang” ni Presidente Didong sa motorbike ang istorya ng mga Barretto Sisters ng mga kaganapan sa wake ng kanilang ama na si Daddy Mike na nakahimlay sa Heritage Memorial Park recently.
Sa katunayan, sa unang gabi pa lang may nagaganap na between Gretchen Barretto and younger sister Marjorie na sinnudan naman ng pananabunot kay Claudine ng “tambalang” Marjorie and her niece. May kuwentong baril pa nga diumano noong first night na nakalusot sa mga PGS habang present si Digong to pay his last respect sa ama ng mga Barretto.
Samu’t sari na ang nangyayari sa lamay na kung iisa-isahin mo ang mga luma at bagong mga pangyayari ay maluluma ang kuwento mo kung the following day mo pa isusulat para mag-land sa kolum mo.
Parang teleserye ang nagaganap na mga eksena sa Pamilya Barretto sa lamay ng ama nila.
Pero madami sa mga miron at isa na ako doon ang hindi sang-ayon sa mga nagaganap.
Bastusan ika nga ang pagka-walang respeto ng mga magkakapatid isama na ang mga pamangkin nina Greta, Claudine at Marj na kahit saang anggulo mo man tingnan ay hindi tama.
Ako mismo, napapagod na sa bangayan ng mga Barretto na bawat kibot at utot, nagiging isyu at pinagpipistahan ng taumbayan.
May mali. Hindi tama. May mali sa mga natutunan nila. May maling values na kinasanayan na nila.
Sabi ko nga sa simula pa lang, dysfunctional ang Pamilya Barretto. Saliwa sa itinuturo sa eskuwelahan o maging sa simbahan o sa religion na kinamulatan nila o pinaniniwalaan.
The other day ay nai-cremate na si Daddy Mike. Balita namin, na-short-cut ang lamay para matapos na ang lahat.
Now na cremated na ang ama nila, ano ang iniwan nilang image sa publiko? Iisa ang reaksyon ng mga miron na wala sila pinagaralan. Hindi sila marunong rumespeto sa ama at ina. Dysfunctional family sila.
Naaawa lang ako sa mga bata na nadadamay sa mga kabaliwan at walang respeto ng mga nakakatanda.
Naaawa ako kay Claudine na bunso sa pamilya. Kung mababasa lang marahil ang puso niya, sigurado pagod na pagod na ito sa nangyayari. Si Greta naman, keri niya ang sitwasyon sa tingin ko. Keri makipagbangayan, matapang at palaban naman siya ever since. At si Marjorie? Ewan ko, ang isang pagbubulgar ay hindi makakatulong sa pagbabati nila mag-pamilya.
Sa tutoo lang, ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong klase ng paguugali ng isang pamilya. Higit pa sila sa afternoon serye na napapanood ko sa telebisyon.
Please help them God. Sobra na. Wala na sa lugar. Madlang pipol, let’s pray para sa katiwasayan ng Pamilya Barretto. Amen.