MATAPOS IPALABAS SA “Imbestigador” noong nakaraang linggo ang tungkol sa St. Nathaniel Crematory ay nagkaroon na ng maraming katanungan ang mga residenteng nakapaligid sa San Bartolome Church sa Malabon City.
Legal daw ba ang nasabing crematorium?
Hindi raw ba ito mapanganib sa kalusugan?
Wala raw bang epekto sa kapaligiran?
At may tsansa raw ba na mabuksan ito?
Uunahin natin, parekoy, ang nasa hu-ling katanungan.
Sa anumang usapin, hindi ang depensa ang nagdi-determina sa kalalabasan ng isang argumento.
Ito ay nakasalalay sa reklamo.
Halimbawa, kung walang kuwenta o basehan ang isang reklamo, kahit hindi na nga mag-depensa ang inirereklamo!
Kaya nga sa isang kaso, malinaw sa batas na ang conviction ng akusado ay nakasalalay hindi sa hina ng kanyang depensa, kundi sa strength ng prosecution!
Sa kaso, parekoy, ng inirereklamong crematorium, nakadepende ang pagbubukas nito sa tatag o bigat ng reklamo!
Ito rin ang dapat gawin ng pamahalaan ng Malabon.
Ang suriing mabuti ang tatlong aspeto.
Una, ang mga requirement ba ng batas ay tinupad ng may-ari ng nasabing crematorium nang walang halong panloloko?
Ang pagsusuri sa aspetong ito ay dapat umpisahan sa Barangay Permit.
Dahil kung sa puntong ito pa lang ay nagkaroon na nang dayaan, may kasabihan tayo na evil trees bring no good fruits!
Kumbaga sa batas, “falsus en uno falsus en omnibus.”
Halimbawa, ipasuri na rin dapat sa SEC ng mga nagrereklamo kung ang corporate papers ba ng St. Nathaniel Crematory Services Inc. ay walang nilabag na batas.
Gaya na lamang ng mga fictitious na mga entry.
Halimbawa ang citizenship ng mga incorporators o ang legitimacy ng kanilang operation.
Dapat tingnan din kung nasunod ba nila lahat ang requirement ng DENR.
At higit sa lahat, tiniyak rin ba ng Department of Health na ligtas ang operation nito sa kalusugan ng mga nakapalibot na residente.
Kapag inurirat ng mga nagrereklamo ang lahat ng aspetong ito, naniniwala tayo na may paglalagyan ang crematorium na ‘yan!
INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09152121303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303