HINDI KO siya kilala, habang ang ibang reporters at kasamahan sa panulat ay nagkukumahog na makilala siya nang personal. Ang imahe na unang nakarating sa akin, galanteng negosyante siya na may-ari raw ng banko.
Pumasok sa kamalayan ko ang pangalang Cristina Decena nang makarelasyon ng aktor na si Philip Salvador ang negosyante. Pero nagulat na lang ako nang mapabalita noon na idinemanda ni Decena si Kuya Ipe na ang isyu ay tungkol sa pera na akala ko’y “love made in heaven” ang sa kanila.
May kuwento, nang maghiwalay sila ni Kuya Ipe, binabawi diumano nitong ni Decena ang mga nairegalo niya sa aktor. Ayon sa mga nakasulat sa mga gossip columns noon, ang tawag ng relasyon nila ni Kuya Ipe ay “Indian love affair”. Ewan ko kung bakit ganu’n ang tawag. Biro ng isang reporter, “‘Di ba ang mga Bombay may mga pautang. Kapag hindi ka
nagbayad or napunan ang kompormiso mo sa kanila, binabawi nila ang supposed to be ay bigay na nila na babayaran mo kahit nagamit na? Keber nila, basta makuha nila ang bagay na naibigay na nila sa ‘yo.”
Wala kasi ako rito sa Pilipinas nu’n kaya hindi ko masyadong nasundan ang kuwento ni Kuya Ipe at ni Ms. Decena.
Fast forward, nang malaman ng kaibigang Doc Gamboa that I own a travel agency, sabi ni Doc, baka puwede raw kaming maging isa sa mga sponsors ng bagong show na ipo-produce nila ng financier niyang si Ms. Cristina Decena.
The name rings a bell, pero matagal bago nag-sink in sa akin ang pangalan ng negosyante. Yes, siya na nga at wala nang iba pa. Siya ang ex-girlfriend ni Kuya Ipe. Matagal bago nag-sink in sa memory ko kung sino siya.
Sabi ni Doc, baka puwede kaming maging ka-deal nila sa TV show ni Ms. Decena, kung saan ang pagpapakasal nito sa TV host-comedian na si Ariel Villasanta of the Ariel and Maverick duo ng TV5 noon ay ipalalabas sa TV.
They got married in 2011 and separated just before July 2012 based sa published interview kay Ms. Cristina Castillo (Decena) and I need to do my research kung sino or paano siya naging isang Decena ay gagawin na tipong reality TV, kung saan ikakasal ang dalawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo based sa kultura at tradisyon ng lugar na pupuntahan nila.
I beg off sa proposal. Wala akong nakikitang ROI or media value man lang sa konsepto ng show. Hindi ko alam kung natuloy ang show or nai-ere sa telebisyon. Maganda sana ang konsepto, kung ang mga ikakasal or ipi-feature sa show na tipong “Weddings Around The World” ay true blooded celebrities.
After a few months, biglang pumutok ang balitang heto’t split na raw ang dalawa. Walang kaabug-abog, hiwalayan na ang kuwentong kasunod sa dati-rati’y akala ko, pagmamahalan na totohanan. Ayaw magsalita ni Ariel kung ano ang dahilan na minsan ay naintriga pa na pera ng dating misis ang habol ng komedyante-TV host.
Recently, I was invited to witness a court arraignment sa kasong isinampa ni Ms. Decena (na frustrated murder) laban sa negosyante na si Ms. Maritess del Mundo ng Cavite, kung saan si Decena ay naunang sinampahan ng kasong “estafa” ni Del Mundo (millions of pesos are involved) bago pa man ang kasong “frustrated murder” na sa kasalukuyan ay nililitis pa rin dahil ayaw diumanong magbayad ni Ms. Decena sa kanyang pagkakautang kay Del Mundo.
Based sa pakikipag-usap namin kay Edward, son of Ms. Del Mundo, “May naniningil ba na ipapapatay mo ang taong may malaking utang sa ‘yo, the fact na sinampahan na siya ni Mommy ng estafa even before this frustrated murder case na ini-implicate niya si Mommy?” pagpapaliwanag pa ng binata.
Kapag nabasa ni Kuya Ipe at Ariel ang kolum item na ito, ano kaya ang masasabi nila?
Our column is open to hear Ms. Decena’s side of the story.
Reyted K
By RK VillaCorta