Out of the blue, confronted with a political-showbiz issue ay gumuhit sa aming isip ang nakaimbak na kaalaman in the study of Shakespeare and his works.
Sa kanyang sikat na trahedya na Hamlet, may tagpo sa graveyard kung saan isang kawal ay may tangang bungo sabay naglinyang, “Poor Yorick.”
Relating the eerie place to a political exercise tulad ng eleksiyon, polling precincts are like final resting places, kung saan ang mga namayapa na ay nakaboboto pa rin. At ang mga taong nasa likod nito ay karaniwang mga mauutak na kandidatong nais humakot ng mas maraming boto by whatever means.
Gusto naming iugnay ang Hamlet scene cum election practice na ito kay Sofia Romualdez, isang virtual “da who” na na-trace lang ang pagkakakilanlan by dragging her name Romualdez on her Twitter account habang binabakbakan niya ang VP candidate na si Leni Robredo, na aniya’y bobo.
Linya tuloy ng mga nadismayang netizen sa asal nu’ng Sofia, “Poor girl!”
But it’s more of a, “Poor Yorme!” (sounds like Yorick). Nanalo kasing mayor ang kanyang ina at dating sexy actress na si Cristina Gonzales sa Tacloban City, Leyte. Opo, relating it again to eerie thoughts, nagmistula ngang isang malawak na sementeryo ang kalunus-lunos na itsura ng siyudad in the aftermath of super typhoon Yolanda.
Ang isyu tungkol sa kakulangan ng tulong para sa mga biktima roon sa parte ng outgoing PNoy administration ang maliwanag na nagpatalo sa pambato nitong si Mar Roxas. At dahil ka-tandem ni Mar si Leni—unfair as it obviously seemed—kung kaya’t damay rin ito sa galit ng tao, isa nga roon si Sofia.
Obviously rin, hindi rin nag-think si Sofia before nag-click ng kanyang saloobin sa Twitter, entonces, the thread of comments that came in torrents ay naglalaman ng pang-aalipusta sa showbiz past ng kanyang inang si Cristina Romualdez. Komento tulad ng, “Ano ba’ng trabaho noon ng nanay mo?!” short of labeling the latter as no less than a daring hubadera sa kanyang mga pelikula noon sa Seiko Films.
Agad namang humingi ng paumanhin si Kring Kring para sa sinabi ng kanyang anak. But the harm has been done, nabansagan na rin siya (Cristina) ng kung anu-anong salita na nagpapaalala sa isang inilibing nang nakaraan, pero para ring isang patay na bumangon sa kanyang himlayan.
At ang bungo—tulad ng hawak ng kawal sa Hamlet ni Shakespeare—ang siyang hinukay ni Sofia sa sementeryo ng mga nananahimik na political souls na kanyang binulabog and are now haunting the Romualdez family.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III