INTIMATE DINNER WITH Tacloban Mayor Alfred Romualdez and Councilor Cristina “Kring-Kring”Gonzales ang invitation ni Mareng Aster Amoyo noong Lunes. Sosyal na sosyal pala ang Toki Japannese resto na iyon sa 2nd floor ng McDo sa The Fort.
Unang bubungad sa resto ay malaking picture frame ni Mareng Aster na ikatataas talaga ng kilay. Susunod ang pagpapakilala niya ng Chef at mga staff doon with matching translation in Japanese sa mga ito kung sinu-sino ang kanyang mga bisita. Bagama’t kasama niya ang mga closest movie stars friend sa frame, halatang siya ang superstar ng lugar. Alam na alam niya kung anu-ano ang especialty roon at kung paano ise-serve ng mga waiter at waitresses ang menu.
“Siya ang may-ari nito!” Bulong agad sa amin ng katabi ko. “She really has arrived. Pakinggan mo kung ano ang tawag sa kanya dito, Madam na!”
NAPAKAGANDA NI KRING nang gabing iyon. Walang bakas ang may 10 taong nagdaan sa kanyang mukha. Pati katawan, balingkinitan pa rin. Higit sa lahat, nakasisilaw na puti pa rin ang kanyang makinis na kutis.
Panay-panay rin ang tanong niya kung may ubo ang kanyang tinatabihan. Kagagaling lang daw ng dalawang anak nila ni Alfred sa sakit. Ingat na ingat siya dahil madali siyang tablan. Marami pa naman daw activities na naghihintay sa kanya sa Tacloban. Kaya lang, hindi rin siya mapigil sa kakukuwento kung anu-ano na ang nangyayari sa kanya bilang better half ng Tacloban Mayor.
Wala palang itulak-kabigin sa kanila ni Dating First Lady Imelda Marcos nang dumalo ito sa 2nd Sangyaw Festival na ginanap kamakailan lang sa Tacloban.
Maalaalang “Rose of Tacloban” ang dating First Lady noong dalaga pa siya at hindi pa nasisilayan ng dating Pang. Ferdinand Marcos.
Bukod kay Dating First Lady, pinarangalan din si Tacloban Foundation Pres. Alex Montejo bilang Patron of the Arts.
Nanguna rin sa iba pang pinarangalan in the field of entertainment, media, visual arts and directing ang awardees like Boy Abunda, Ricky Lo, Kim Chiu (yes, the actress) and Madam Aster Amoyo, not to mention Al Claude Evangello at Jesus dela Paz. The last two are internationally reknowned and award-winning directors, while Amoyo is a well-known enteraiment writer and columnist.
Binigyan din ng awards in the field of visual arts and literature sina Dr. Victor Sugbo, a noted poet and playwriter at Prof. Merlie Alunan, bilang literary genius mula sa University of the Philppines-Visayas Tacloban Campus.
Marami pang ibang katulad na award ang ibinibigay sa outstanding Leyteños at Samareños.
By the way, Waray term pala ang “sangyaw” meaning to pronounce or proclaim Tacloban, Region 8 as one of the country’s center for culture and the arts.
SIYANGA PALA, DUMATING din ang Kapuso actor like Dingdong Dantes at Kapamilya stars like Karylle, Lucky Manzano at Christian Bautista na nakaambag din nang husto sa kasayahang naganap.
Actually, the two year old festival is revived by Mayor Alfred at sinasabing the first and only festival of the region noong 1970’s. It was in 1974 when First Lady Imelda Marcos organized it to showcase the region’s cultural heritage. It features the different practices that honor its patron, Sr. Sto. Niño.
Taon-taon na kung ganu’n magaganap ang napakasayang festival na ito na dinarayo na agad ng mga tao mula sa iba’t ibang parte ng ating bansa at maging ng mga turista sa iba’t ibang bansa.
BULL Chit!
by Chit Ramos