Sa kanyang Twitter account, minura ng 16-year old na anak ni Cristina Gonzales-Romualdez o Kring-Kring Gonzales (mas type ko pa rin siyang tawagin sa showbiz name niya) ang Liberal Party VP candidate na si Leni Robredo.
Yes, pamangkin ni Sen. Bongbong Marcos si Sofia sa pinsan na si Alfred Romualdez.
Sabi ni Sofia sa kanyang post sa Twitter: “P*t*ng*na leni bobo naman yan walang alam yan t*ng*na nyo.”
Marami ang nagulat sa pagiging barubal at bastos ng dalaga na isang estuyante sa IS (International School-Manila). Kaya ang netizens na nakabasa ay may kanya-kanyang opinyon sa ginawa ng pamangkin ni Bongbong.
Sa isang chat room, isinulat ng isang hindi sang-ayon sa ginawa ni Sofia: “Ex-starlet-now-Tacloban Mayor Cristina Gonzalez Romualdez has already apologized for her 16-year-old daughter Sophia’s irresponsible tweet. Fortunately, ex-human rights lawyer Leni Robredo doesn’t have to apologize for her 16-year-old daughter Jillian’s stellar performance as a student at the Philippine Science High School (Pisay) in QC.” Na ipinakita ang comparision ng dalawang mga bata na halos magkasing-edad lang.
Reaction naman ng isang netizen: “Nasa breeding ‘yan ng bata. Kung ano ang turo ng magulang nagre-reflect ito sa mga anak. Kumpara sa isang magalang, masunurin at magaling na bata at mag-aaral at isang brat na sa lenguwaheng gamit niya alam mo na hinayaan lang ng kanyang mga magulang na hindi mo inaasahan na mula sa angkan ng mga Romualdez, may isang bastos na “Sofia” pala ang nakatago sa mukha ng kasosyalan ng pamilya nila.”
Pero agad na sinalo si Sofia ng ina niyang si Kring Kring (mas kilala si Cristina Gonzales Romualdez sa pangalan niyang ito noong isang sikat na ST Star pa ito ng Seiko.
Sabi nito: “I apologize for such words she tweeted about Leni. As a mother and most especially a Christian, I do not approve such words.”
Ipinaliwanag naman ni Kring Kring na very apologetic ang anak sa kanyang ginawa. Pero nagrason pa si Kring Kring na sa edad na 16 ay hindi pa raw alam ng anak ang kanyang giagawa.
Sa tweet naman ng barubal at bastos na si Sofia: “What I said about Leni was out of frustration and anger. I’m human and I make mistakes too, I’m sorry if I offended anyone.”
Matapos na mag-post ng kanyang apology ay na-deactivate na ang Twitter account ni Sofia.
Sa social media account naman ng ina, sinulat nito na: “I have met Leny when we went to the wake of her husband and I know she does not deserve such word…”
Sa kabastusan at sa pagkawalang galang ng anak ng bagong mayor ng Tacloban, may isang dahilan at depensa si Kring King sa ginawa ng anak: “My kids went through a lot during the disaster and witnessed everything that happened. We almost lost our lives so I have been praying for my children to really get over that event in their lives. Thank you for understanding.”
Sa ganang akin, mas malala ang naging karanasan ng mas nakararaming mga bata ng Tacloban na nawalan ng mga magulang, ng kapatid, at pamilya na halos nabuhay sila pagkatapos ng unos bilang mga ulila.
Stop the drama. Huwag na sanang gamitin na dahilan ni elected Mayor Kring Kring ang karanasan sa nagdaang daluyong para idepensa lang ang kabastusan ng anak na si Sofia Romualdez. Kapag nag-sorry, tapos. No more alibis.
Reyted K
By RK VillaCorta